Pacquiao

Senatorial candidate Manny Pacquiao suportado pagpapalago sa negosyo ng digital e-commerce

February 19, 2025 Edd Reyes 277 views

SUPORTADO ni Alyansa para sa Bagong Pilipinas Senatorial candidate Manny Pacquiao ang inilunsad ng Star Digital Solution na makabagong paraan na tutulong sa pagpapalago sa negosyo ng digital e-commerce.

Mismong si Pacquiao, na isa ring entrepreneur, kasama sina Scott So at Kevin Lim ng Manila E-Commerce Center, ang nanguna sa opisyal na paglulunsad ng makabagong paraan na magbubukas ng oportunidad sa mga nagsisimula pa lamang sa negosyo at maging sa mga matagal na sa larangan para maging mabilis, madali at kaagad na mapaunlad ang kanilang pagnenegosyo.

Sa kanyang pahayag, sinabi ng dating Senador na nauunawaan niya ang daranasing hirap ng mga maliliit na negosyante upang makipagsabayan sa mga matatag na sa larangan dahil bago rin niya naabot ang rurok ng kanyang tagumpay sa larangan ng boxing ay kinailangan niya ang dedikasyon, disiplina at kakayahang umangkop sa kapaligiran.

Sa pamamagitan aniya ng Star Digital Solution, mabibigyan ang mga maliliit na negosyante ng dagdag na kaalaman at suportang kanilang kailangan upang mapagtagumpayan ang kasalukuyang mundo ng digital. “Whether you’re just starting or looking to scale, we’re here to help you reach new heights,” pahayag ni Pacquiao.

Hinimok din ni Pacquiao ang mga mamumuhunan, may dati ng negosyo, at maging mga content creators, na makiisa sa kanya sa ganitong kapanapanabik na paglalakbay sa mundo ng digital marketing na makakatulong aniya sa kanilang pagnenegosyo.

“We believe that every business, big or small, deserves a fighting chance in the digital economy and we are committed to helping our partners not only survive but flourish in today’s fast-faced market,” sabi pa ng dating Senador.

AUTHOR PROFILE