Isko Pinangunahan ni Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso ang panunumpa ng mga tatakbong senador sa Election Mayo 2022,sa ilalim ng Aksyon Demokratiko ..Photo by:Jon-Jon Reyes

Senatoriables sa 2022 nanumpa kay Isko sa ilalim ng Aksyon Demokratiko

September 27, 2021 People's Tonight 100 views

Isko1PINANGUNAHAN ni Manila Mayor Francisco Isko Moreno ang panunumpa ng mga tatakbong senador sa 2022 May elections sa ilalim ng Aksyon Demokratiko.

Kabilang ang dating kandidato sa Otso Diretso na si Samira Gutoc kasama ang radio show host na si Carl Balita noong Lunes matapos na makumpirma na kasama sila sa 2022 senatorial slate ng Aksyon Demokratiko.

Sina Gutoc at Balita, sa magkakahiwalay na panayam, ay kinumpirma na sila ay hinirang para sa senador sa virtual national Assembly ng partido sa Lunes ng hapon.

Ayon sa mga bagong membro na sina Gotoc ay “Mas optimistic ako [na mananalo this time] dumaan ako sa rekord ng rekonstruksiyon at pagbawi na iyon sa aking pinagdaanan sa nangyaring krisis sa Marawi at pagiging isang manggagawa sa kalamidad sa nagdaang 15 taon , ani ni “Gutoc

“Sa tingin ko mayroon akong uri o lakas na kailangan na ng ating bansa at ng ating mga kababayan,” dagdag ni Gotoc..

Sinabi rin ni Gotoc na hindi siya sumasakay sa kasikatan at mataas bilang sa survey sa Alkalde ng Maynila na si Mayor Isko Moreno..dahil nakikita niya sa alaklde ang pagmamahalk sa kapwa niya pilipino at pag aaruga sa mga batang maynila..

“Ayokong isipin at makita nila akong isang oportunista,” aniya.

“Si Isko ay kilalala bilang magaling at mapag mahal na artisata samantalang ako ay hindi sikat. Siyempre kabilang sa halalan ay tungkol din sa mga kilalang tao at pupolar kumbaga. ngunit ito ay tungkol din sa karapat-dapat na mga isyu na pinaninindigan natin ngayon at ang pagiging kilalalang tao o popular ay isang kadahilanan lamang,”ani Gotoc.

“Kung sa tingin o palagay nila ito ay tungkol sa kasikatan, kung gayon hindi sinasadya po iyon at itong isang pagkakataon lamang..”

Si Gutoc ay isa sa kilalang namuno sa sibiko sa Marawi – na tumakbong sendor sa listahan ng mga oposisyon ng Otso Diretso noong 2019 midterm na halalan, ngunit natalo ito,.kaya’t minabuti niyang sumali ng mas maaga sa Aksyon Demokratiko bilang bahagi ng National Executive Board ng partido.,.

Samantala si Carl Balita naman ay isang negosyante na namumuno sa isang pangkat ng mga kumpanya na pinangalanan pagkatapos niya, kasama na ang Carl Balita Review Center.

Si Balita ay isang nakapagtapos at rehistradong nars at komadrona na nagpasya siyang tumakbo sa pagka senador.

Nagbigay din ng pahayag si Balita, “Ang pagtugon sa kanilang tawag ay isang bagay na kailangan kong gawin … Narito ako para sa kanila dahil hiniling nila ito sa akin,”

“Kailangan namin ng isang taong marunong makinig at umiintindi upang mas epektibo sa kung ano ang dapat gawin,” aniya.

Idinagdag din ni Balita na tatakbo siya kasama ang platform na “Kalusugan, Kabuhayan at Karunungan,” sinabi niya na ito ay resonates sa kanyang kadalubhasaan bilang isang manggagawa sa kalusugan, negosyante, at tagapagturo.

Kailangan nila ng tulong at mas mauunawaan ko sila,” sinabi niya na tumutukoy sa mga miyembro ng sektor ng kalusugan, negosyo at edukasyon na tinamaan at naapektuhan dulot ng COVID-19 pandemic.

“Hindi ako pulitiko kailanman. Negosyante lang ako, propesyonal lang ako sa kalusugan, edukador lang ako. Iyon lang iyon,” aniya.

AUTHOR PROFILE