Adiong Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong

SENADOR, KONGRESISTA PANTAY LANG

February 12, 2024 People's Tonight 56 views

Taumbayan lang ang mas mataas sa amin, ani solon

KINONDENA ni Rep. Ziaur-Rahman “Zia” Alonto Adiong ng 1st District ng Lanao del Sur si Sen. Joel Villanueva kaugnay ng ginawa nitong pagmamaliit sa mga party-list representatives.

Tinagurian ni Adiong ang pahayag ni Villanueva na “disrespectful” sa disenyo ng legislative branch ng bansa.

Sa isang privilege speech ngayong Lunes, sinabi ni Adiong na sa ilalim ng 1987 Constitution ay bicameral ang Kongreso ng bansa na binubuo ng Senado at Kamara de Representantes.

Habang ang Kamara ay nakadisenyo upang maging malapit ang mga kongresista sa kanilang mga constituent, ang Senado naman ay national ang saklaw.

“I accept the term ‘lower house’, not because the House is inferior but that it is the part of Congress which is closer to and rooted in the needs of the people,” ani Adiong.

Sinabi ni Adiong na ang party-list system ay ginawa naman upang mabigyan ng boses ang mga walang boses para sila ay mapakinggan sa Kongreso.

“I cannot accept that a statesman such as himself would hold such a myopic and tyrannical view of the legislative branch. We are all equal public servants and only the people are superior to us.

House representatives and senators are all members of the 19th Congress,” sabi ni Adiong.

Ang pagkakahati, ayon kay Adiong, ay mahalaga upang maging balanse at epektibo ang proseso ng lehislatura, at ang kapuwa kapulungan ay nagsisilbing “checks and balances” ng bawat isa.

“Parliamentary courtesy is the cornerstone of our proceedings. It is through this courtesy that we engage in respectful debates, recognizing the value each member brings to the table,” giit ni Adiong.

Nanawagan si Adiong sa kanyang mga kapuwa kongresista na ipagpatuloy ang pagtutulungan at pagkakaintindihan para sa kapakanan ng bansa.

“Together, we can rise above discord, navigate through differences, and emerge stronger as advocates for the Filipino people,” giit pa ni Adiong.

AUTHOR PROFILE