Tolentino

Senado makikipagtulungan sa UN

December 5, 2023 PS Jun M. Sarmiento 179 views

Upang mahinto di makataong trato sa mga bilanggo 

TINIYAK ni Senador Francis Tolentino ang pakikipagtulungan sa United Nation Sub Committee Panel na naglalayon itulak ang isang batas na siyang sasawata sa hindi makatarungan na ginagawang torture, pagmamalupit (cruelty) at hindi makataong trato at pagpaparusa na iginagawad sa karamihang bilanggo sa loob ng ibat ibang detention center.

Ayon kay Tolentino, napapanahon nang tuldukan ang ganitong pang-aabuso sa pamamagitan ng mga mekanismo na kanilang isasagawa upang matiyak ang pagpapatupad nito sa ilalim na gagawin batas sa malaot madali bilang tugon sa public dialogue na isinagawa ng mga visiting members ng United Nations subcommittee on Prevention of Tortures, and other Cruel, Inhumane or Degrading Treatment or Punishment (UNSPT).

Si Tolentino na siyang chairman ng Senate Committee on Justice and Human Rights ay naniniwalang karapat dapat lamang makipatulungan ang Pilipinas sa UN subcommittee para maihinto ang ganitong uri ng pagmamalupit sa loob ng bilangguan. Inaasahan din si Senador Ronald Bato dela Rosa, na kilalang dating PNP Chief ang magiging co-sponsor ni Tolentino dito.

Nilinaw ni Tolentino na walang kaugnayan sa ICC (International Criminal Court) ang naturang grupo ngunit ang pangunahing adhikain nito ay upang maalalayan tayo sa pagsasakatuparan ng nasabing adhikain.

Magkakaroon ng isang pagdinig sa ilalim ng komite ng Commitee on Justice and Human Rights kung saan ay magiging resource person ang mga taga UN para dito bilang suporta sa tratado na kinabibilangan natin mula pa nuong 2022 sa ilalim ng Optional Protocol on the Convention Against Torture, Cruelty and Inhumane or Degrading Punishment. (OPCAT).