Tolentino

Sen. Tol nagbitiw bilang PDP vice pres, tatakbong independent sa ’25

August 5, 2024 PS Jun M. Sarmiento 96 views

KINUMPIRMA ni Senate Majority Floor Leader Francis Tolentino na nagbitiw na siya bilang bise president ng Partido Demokratikong Pilipino (PDP) dahil umano sa mga bagay na hindi tumutugma sa paniniwala na ipinaglalaban ng PDP bilang partido.

Ayon kay Tolentino, matagal niyang pinag-isipan kung magbibitiw siya sa tungkulin sa partido.

Matatandaan na nanawagan si PDP President Sen. Robinhood Padilla kay Tolentino na magbitiw na sa kanyang kasalukuyan posisyon sa PDP bilang bise presidente.

Kinumpirma na muli siyang tatakbo sa Senado sa Mayo 20225 bilang independent na kandidato.

Hayagan si Tolentino sa kanyang paniniwalang dapat lamang susugan ang bukas sa isip ng mga Pilipino na ang West Phil Sea pag aari ng Pilipinas at may karapatan ang mga Pilipino na angkinin ito.

“Para ito sa mga Pilipino,” ani Tolentino sa WPS.