Hontiveros

Sen. Risa: Katapusan na ni Pastor Quiboloy

August 8, 2024 PS Jun M. Sarmiento 206 views

PINASALAMATAN ni Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ang Court of Appeals matapos itong mag-isyu ng 20-day freeze order sa bank accounts at mga assets ni Pastor Apollo Quiboloy, at ng kanyang Kingdom of Jesus Christ, (KOJC), gayundin ng siyam na associates at ang kanyang media arm, Swara Sug Media Corporation o mas kilala bilang SMNI.

Ang nasabing desisyon ay konektado sa mga ibinibintang kay Quiboloy sa diumanoy kinasasangkutan nito ukol sa human trafficking, bulk cash smuggling, gayundin ng money laundering na kinakaharap niya sa Pilipinas gayundin sa Estados Unidos.

Sa kanyang opisyal na pahayag, sinabi ni Hontiveros na ito ang nararapat na hatol at dapat lamang gawin ng korte at ng gobyerno laban kay Quiboloy at sa mga kaalyado nito na kasabwat niya sa paggawa ng mga naturang krimen.

“Deserve. Dapat lang yan sa mga tulad ni Quiboloy. Katapusan na ito ni Quiboloy,” ani Hontiveros.

Base sa ulat, nagbigay ng kautusan ang CA nang agaran pag- freeze sa mga salapi, pag-aari at iba pang yaman sa ilalim ng pangalan ni Quiboloy at ng kanyang foundation gayundin sa mga taong may kaugnayan sa kanya.

Kasama rin sa freeze order ng korte ang hindi bababa sa 10 bank accounts, pitong real properties, limang motor vehicles, at isang Cessna aircraft.

Matatandaan na hangang sa kasalukuyan ay pinaghahanap pa rin ng mga otoridad si Quiboloy matapos itong isyuhan ng warrant of arrest ng Korte gayundin ng Senado dahil sa diumanoy mga kaso tulad ng child abuse at human trafficking.

Matatandaan na si Quiboloy ay may kinakaharap din na kaso sa United States sa parehong reklamo laban sa kanya..

Sa ibinigay na kautusan ng CA nong Agosto 6, 2024, sinabi nito na nasa “reasonable ground” ang pag freeze ng account ni Quiboloy kaugnay ng ibinigay ng mga testimonya ng Anti-Money Laundering Council (AMLC). Ito ay matapos itong magbigay ng kaniyang petisyon na dapat lamang i-hold ang pera at iba pang asset nito bunga ng mga kinasasangkutan nito krimen at hindi maipaliwanag na pinagmulan ng mga nasabing pera.

Diumano, si Quiboloy at ang kanyang mga associates ay humaharap sa iba’t ibang kriminal na kaso sa ilalim ng batas ng Pilipinas tulad ng qualified human trafficking; sexual and child abuse, kung saan ay meron din siyang kinakaharap na parehong kaso sa Estados Unidos at ang conspiracy to engage in sex trafficking by force, sex trafficking of children, marriage fraud, visa fraud, bulk cash smuggling, at ibat ibang uri ng money laundering offenses.

“Nagpapasalamat tayo sa AMLC sa kanilang aksyon. This is the second freezing of bank accounts after the ones in the US,” ani Hontiveros.

Sinabi rin ni Hontiveros na ang desisyon na ito ng CA kung saan ay hindi nito papayagan na galawin ang anuman pera at ari arian niya at nga mga kasabwat niya ay pipilay ng husto sa kanilang mga ilegal na gawain at mas magbibigay sa ating mga otoridad ng magaan na paraan upang madali silang matunton.

“Hopefully, this freezes Quiboloy’s ability to escape. Hopefully also, our local entities can work with their foreign counterparts to stanch the flow of money to offshore accounts.” giit ni Hontiveros.