Sen. Risa ‘di nagulat na Comelec niloko ni Guo
KUMPIYANSA si Deputy Minority Leader Senator Risa Hontivers na tama ang hinala niya at hindi na nagulat nang magdeklara ang Commission on Election na iisang tao lang ang fingerprint ng batang Guo Hua Ping at si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
“Hindi naman na nakakagulat na iisa ang fingerprint ni Guo Hua Ping at Mayor Alice Guo sa Comelec records. Napatunayan na nga ng NBI na iisang tao lang sila,” ani Hontiveros.
“Nakakakilabot pa rin na may Chinese national na naging alkalde ng isang bayan sa Pilipinas,” giit ni Hontiveros matapos aminin ni Comelec chairman George Garcia na iisa lamang tao ang dalawang pangalan na ito base sa finger prints.
Base sa ulat, ang Certificate of Candidacy (COC) ni Mayor Guo nuong tumakbo siya sa Bamban, Tarlac bilang mayora isinumite sa Comelec nuong tumakbo siya nuong 2022 elections.
“Everything is a lie for Mayor Alice Guo. At ilan pa kayang mga ganitong kaso sa ating bansa ang naka penetrate na? Kaya dapat lamang tayong magtulong-tulong upang masigurong total ban na ang POGO,” sabi ni Hontiveros.
Itinuturing ng pugante si Mayor Guo sa kasalukuyan at may warrant of arrest na sa Senado.
Matatandaan na mismong ang Commission on Elections (Comelec) ang nagsabing magsasampa sila mismo ng kaso laban kay Mayor Guo matapos mapatunayan mismo ng fingerprint investigations na niloko niya at pinaikot ang batas sa pamamagitan ng pagpapaikot at pagsisinungaling sa Comelec.