Lito3

Sen. Lito, tumatanaw ng utang na loob sa ‘Probinsyano’

January 24, 2023 Vinia Vivar 100 views

Pagkatapos magmarka ang kanyang huling teleserye sa ABS-CBN na FPJ’s Ang Probinsyano bilang si Romulo o “Pinuno,” leader ng Pulang Araw group, nagbabalik si Sen. Lito Lapid sa telebisyon, this time, sa FPJ’s Batang Quiapo na pagbibidahan pa rin ni Coco Martin.

Nakatsikahan ng entertainment press si Sen. Lito sa kanyang thanksgiving/pre-Valentine lunch at naikwento nga niyang magsisimula na siyang mag-taping ng FPJBQ.

Similar to Pinuno pa rin ang kanyang magiging role, but this time, parang “Supremo” naman daw ang itatawag sa kanya.

“Parang ako raw ‘yung pinaka-hari ng mandurukot o Supremo sa Quiapo. Parang ‘yung role ni FPJ (yumaong Fernando Poe Jr.) du’n sa Batang Quiapo,” kwento ng action star/politiko.

Kahit nasa politika siya, hindi raw niya pwedeng kalimutan ang industriyang pinagmulan kaya naman paminsan-minsan ay tumatanggap pa rin siya ng proyekto.

Hindi naman daw magkakaroon ng conflict dahil may mga araw na wala silang pasok sa Senado.

Besides, napakalaki ng utang na loob niya kay Coco na hanggang ngayon talaga raw hindi niya nakakalimutan. Ina-attribute niya ang kanyang pagkapanalo bilang senador nitong nakaraang eleksyon sa FPJAP.

“Hindi naman lingid sa ating lahat na nakilala ako ng mga millennial. Dati kasi, mga senior citizen lang ang nakakilala sa akin. Mga pelikula ko noong araw, tinatawag akong Leon Guerrero.

Pagkatapos ng Probinsyano, tinawag ako na ‘Pinuno,’ ‘Yun ang kilala ng mga kabataan.

“Lalung-lalo na nu’ng tumakbo akong senador, tumaas ‘yung ranking ko, naging no. 7 ako. Kaya nagpapasalamat ako, unang-una kay Coco Martin, dahil nabuhay uli ang career ko bilang artista, at ngayon nga, nabibigyan na naman kami ng pagkakataon dito sa Batang Quiapo,” he said.

Kasama ni Sen. Lito ang anak niyang si Mark Lapid na magkakaroon ng parte sa FPJBQ.

“Abangan n’yo po kung ano ang magiging role namin, sana magustuhan n’yo. Alam naman natin na mabusisi si Coco at hindi gumagawa ng basta-basta, gusto niya ‘yung magugustuhan ng tao,” pahayag pa ng action star/senator.

AUTHOR PROFILE