Default Thumbnail

Sen.Gatchalian sa DOF: I-address ang problema sa BIR, BOC

October 4, 2023 Vic Reyes 108 views

Vic ReyesTALAGA namang nakagugulat ang balitang maraming “vacant positions” sa Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR), mga attached agencies ng Department of Finance (DOF).

Ang BIR at BOC, na pinamumunuan nina Commissioners Romeo Lumagui Jr. at Bienvenido Y. Rubio, ayon sa pagkakasunod, ang dalawang pinaka-malaking revenue-collecting agencies ng gobyerno.

Ayon sa report, ang BIR ay may 7,724 vacant positions samantalang ang BOC ay may 2,761 unfilled positions.

Sa totoo lang, noong mga nagdaang panahon, maraming “nagpapakamatay” para lang makapagtrabaho sa tinaguriang “snake-infested waterfront” sa Maynila.

May panahon pa ngang marami ang nakapapasok sa BOC na rekomendado ng mga prominenteng politiko at lingkod -bayan, na kagaya ng congressman, gobernador at alkalde.

Noon, ang akala ng marami ay madaling magkapera ang mga opisyal at kahit na ang mga ordinaryong empleyado sa aduana.

Ang hindi alam ng taumbayan ay mahirap magtrabaho sa aduana, lalo na ang mga opisyal na madalas kulitin ng mga politikong humihingi ng kung anu-anong pabor sa kanila.

Noon, may mga opisyal na napipilitang umalis sa aduana na luhaan at punong-puno ng pagsisisi kung bakit pa sila pumasok pa sa waterfront.

Pero ngayon, madami palang bakanteng puwesto sa BOC at BIR dahil mas mababa pala ang suweldo sa dalawang ahensya kumpara sa ibang opisina ng gobyerno.

Kaya nga noong Martes, Oktubre 3, ay nanawagan si Senador Sherwin Gatchalian sa DOF na i-address ang problema “to improve efficiency” sa BOC at BIR.

“I would assume that the more people they have, the more efficient that they will become and the more taxes that they can collect,” sinabi ni Gatchalian sa budget hearing “for the DOF and its attached agencies.

Dagdag pa ni Gatchalian: “We don’t want a scenario wherein our tax-collecting agencies…are being left behind. Another consequence of this is the temptation of corruption.”

Sa budget hearing, inamin nina Commissioner Lamagui at BOC Deputy Commissioner Michael Fermin na ang kanilang mga ahensya ay nahihirapang mag-recruit ng personnel.

Lalo na ng mga abogado at accountant na mas mataas ang tinatanggap na suweldo at benepisyo sa ibang opisina ng gobyerno na kagaya ng Civil Service Commission.

Sinabi pa ni Gatchalian na ang BIR at BOC “do not stand a chance in hiring the best talents if their compensation packages are not competitive with other government agencies.”

May katwiran si Senador Gatchalian. Panahon na para itaas ang suweldo hindi lang sa BOC at BIR kundi sa ibang opisina ng gobyerno dahil sa mataas na presyo ng mga bilihin.

Baka isang araw ay magising na lang tayo na marami sa ating mga empleyado ay nagtatrabaho na sa ibang bansa.

Huwag natin kalimutan na ang mga manggagawang Pilipino ay in demand sa maraming bansa dahil sa “sterling qualities natin.”

Hindi lang tayo mahusay mag-English. Kilala pa tayong masisipag, mababait, magagalang, masunurin, loyal at mapagkakatiwalaan sa lahat ng bagay.

Talaga!

***

Mabuti naman at babalik na ang dating itsura ng isang miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Noong unang panahon, lahat ng unipormadong pulis ay may silbato (whistle) at batuta (baton).

Sinabi ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na ang pagbabalik ng silbato at batuta bilang parte ng uniporme ng pulis ay isa sa mga bagay na tinalakay noong nakaraang command conference.

Ang huling command conference ng mga matataas na opisyal ng pambansang pulisya ay ginanap sa national headquarters ng PNP sa Camp Crame, Quezon City.

Matatandaan na iminungkahi kamakailan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa, dating hepe ng 226,000-member PNP, ang paggamit muli ng mga batuta at silbato.

Ito ay bunsod ng pagkamatay ni Jhemboy Baltazar, 17, sa kamay ng mga pulis ng Navotas City.

“It appears that the course of action for our policemen is always to use their guns, firing warning shots. But that is not allowed in our rules of procedures,” ani Acorda.

Dagdag niya”So, in line with that, we have issued a directive for the return of the use of whistles and it will become part of their uniform.”

Ang tanong ay: Pati ba mga heneral ay kailangan ding may dala-dalang silbato at batuta?

(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa #0917-8624484email: Tingnannatin08@gmail.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE