jolobong

Sen. Bong, susuporta sa kandidatong ‘makakatulong sa ating bansa’

June 14, 2021 Vinia Vivar 163 views

Muli ay kinumpirma ni Sen. Bong Revilla na hindi siya tatakbo sa 2022 elections sa kanyang Facebook Live last Sunday.

Nauna nang ipinahayag ni Sen. Bong ang hindi niya pagtakbo last Saturday sa FB Live rin niya at dito ay sinabi niya ngang ang anak niyang si Cavite Vice Governor Jolo Revilla ang tatakbo.

Sa panibagong FB Live, nilinaw ni Sen. Bong na hindi siya tatakbo sa 2022 eleksyon dahil hanggang 2025 pa ang kanyang termino bilang senador.

“Ngayon, pahinga muna ako. Hindi tayo makikisali dito sa gulo ngayon,” he said.

Gayunpaman ay susuporta raw siya sa sinumang deserving na maging Presidente.

“Tayo’y susuporta kung sino ang ating makita na siyang nararapat at karapat-dapat na maging Pangulo ng ating bansa. Doon tayo susuporta.

“Para sa bayan, isipin natin kung ano ang maganda. Kung sino ang makakatulong sa ating bansa, doon tayo lalagay,” pahayag pa ng senador.

AUTHOR PROFILE