Sen. Bong Go maawain pala talaga

April 25, 2022 People's Tonight 148 views

ILANG buwan bago ang filing ng certificate of candidacy ng mga kakandidato sa halalan, marami ang nagdududa sa pagtulong ni Senador Bong Go sa mga biktima ng sunog at kalamidad.

Tingin ng ilan, pakitang tao ang pagtulong ng senador dahil tatakbo daw bilang vice-president sa darating na halalan.

Pero lingid sa kaalaman ng karamihan, assistant to the mayor pa lang si Christopher “Bong” Go ay likas na ang pagtulong nila ng noo’y Davao City Mayor pa lang si Rodrigo Duterte.

Hanggang sa maupo nga bilang pangulo si Mayor Duterte, tuloy ang pagtulong nila sa mga apektado ng sunog at kalamidad.

Nang mahirang bilang Special Assistant to the President (sap) si Go, siya ang inuutusan ng pangulo na magpaabot ng kanyang pakikidalamhati sa mga biktima at pamamahagi ng ayuda.

Walang puknat ang pagtulong ni Bong Go sa mga mahihirap kahit na ito’y naging senador na.

Hinahati ni senador go ang oras sa mga sesyon at hearing sa Senado at pagtungo sa mga lugar ng nasunugan at mga dinaanan ng kalamidad para mamahagi ng tulong.

At noong mag-file nga ito ng kanyang kandidatura sa pagka-bise presidente noong Okrubre ng nakaraang taon, marami ang nag-isip na baka raw pakitang tao lang ang pagtulong ni Go.

Pero noong umatras ito sa pagtakbo bilang vice-president para magparaya kay Mayor Sara Duterte, tinuloy nito ang pagbibigay ayuda sa mga biktima ng sunog at bagyo.

At hanggang ngayon tuloy-tuloy lang ang pagtulong ni Senador Go na patunay lamang na hindi pakitang tao o pang-eleksyon lang ang kanyang pagtulong.

Hindi lang mga nasunugan o tinamaan mg kalamidad ang kanyang tinutulungan kundi pati mga hirap makaahon sa buhay dahil sa pandemya tulad ng mga tsuper at mga vendors.

Hindi na rin gaano nababalita pero tuloy-tuloy ang pagtulong ng mga Malasakit Center sa mga may sakit na mahihirap.

Si Senador Go din ang nasa likod ng pagkakatatag ng mga Malasakit Center nationwide na higit daan libong mga pasyenteng mahihirap ang natutulungan.

Bihira ang isang government official na tumutulong sa mga mahihirap na hindi na bahagi ng kanyang trabaho tulad ni Go.

Ngayon masasabi natin na ang pagtulong ni Senador Bong Go sa tao ay taos puso at hind pang press release o pakitang tao lang.

Mabuhay po kayo Sen. Bong Go at dumami pa nawa ang katulad nyo sa pamahalaan.

AUTHOR PROFILE