
Sen. Bong at Cong. Lani nakasingit ng date bago ang pukpukang kampanya
BIG Martin Nievera-Pops Fernandez fans pala sina Sen. Bong Revilla at Cong. Lani Mercado.
Ito ang na-realize ng netizens nang mapanood ang Facebook live ng action star-public servant habang nanonood ng “Always & Forever,” ang pre-Valentine concert ng ex-couple na ginanap sa SM MOA.
Bale iyon na nga ang nagsilbing V-Day date nina Sen. Bong at Cong. Lani bago sumabak sa pukpukang kampanya para sa mid-term elections ngayong Mayo.
“Martin-Pops talaga kami. Maganda na dito muna kami nag-date bago sumabak sa kampanya,” nakangiting pag-amin ng senador.
Siyempre, pinagkaguluhan si “Tolome” ng fans matapos ang concert. Marami ang nagpa-picture na, in fairness, masuyong pinagbigyan lahat ng mag-asawa.
To date ay nagsimula na ngang mag-ikot si Sen. Bong sa iba’t ibang parte ng bansa.
Nauna na siyang pumunta ng Ilocos, kung saan timing na fiesta naman sa Laoag City. Doon ay nakasama niya si dating Gov. Chavit Singson, na nangako ng suporta sa kanyang kandidatura.
Sunod na inikot ng kampo ni Sen. Bong ang Iloilo, kung saan mainit pa rin ang naging pagtanggap sa kanila kaya naman mas lalo umano siyang ginanahang maka-bonding ang mga Ilonggo.
Actually, kwento ng isang malapit sa senador, napakainit ng pagtanggap dito saan man sulok ng bansa mapunta — sa Davao, Pasay and just recently, sa Binan, Laguna.
Patunay lang na mabangong-mabango nga si Sen. Bong sa mga botante dahil nananatili siyang nasa top 6 ng senatoriables sa pinakahuling Pulse Asia survey nitong Jan. 18-25.
Kilala sa pagiging action man pagdating sa serbisyo publiko, patuloy ngang pinagtitibay ni Sen. Bong ang slogan niyang “Aksyon sa Tunay na Buhay” sa pamamagitan ng pagpasa ng mga batas na direktang nakakatulong sa mga Pilipino.
Ang ilan sa mga ito ay ang “Anti No Permit, No Exam Act”, “Kabalikat sa Pagtuturo Act”, “Free College Entrance Examination Act”, “Expanded Centenarians Act”, at marami pang iba.