Selebrasyon ng b-day, ‘delicious memory’ para kay Marian
Simple lang ipinagdiwang ni Marian Rivera ang kanyang 39th birthday noong August 12. Makikita sa mga Instagram post ng aktres ang intimate celebration niya with her family.
Ayon kay Marian ay nagkaroon lang sila ng simpleng birthday lunch ng kanyang pamilya.
“Cheers to another year of delicious memories! Celebrating my birthday with a mouthwatering lunch at Haliya in the captivating City of Dreams Manila,” caption ni Yan sa mga larawan na kuha mula sa birthday lunch.
Makikita sa mga larawan ang masayang salu-salo na naganap.
Of course, aside from husband, Dingdong Dantes ay naroroon din ang dalawa nilang anak na sina Zia at Sixto.
Makikita naman sa isang set of photos ang pagbibigay sa kanya ng gifts nina Zia at Sixto with matching handwritten notes at drawings.
“Grateful to God for the best birthday gift ever — my amazing family,” caption ni Marian.