posas

Sekyu sabit sa nakawan, tiklo

February 22, 2024 Melnie Ragasa-limena 81 views

ARESTADO ang security guard na nakipagsabwatan umano sa kawatan na nagnakaw sa binabantayan niyang gasolinahan sa Quezon City noong Huwebes.

Nakatakas ang hindi pa kilalang accomplice niya na naka-bullcap, t-shirt at jeans.

Sa report ng Pasong Putik Proper Police Station 16 ng Quezon City Police District (QCPD), bandang alas-6:30 ng umaga nang maganap ang pagnanakaw sa Phoenix Gasoline Station sa Belfast Regalado Highway, Brgy. Pasong Putik, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ni PSSg Haru Gil Manzano, naka-duty ang suspek na na nakilalang si alyas Caparoso pero nagsilbing lookout habang puwersahang binubuksan ng kaniyang kasabwat ang entrance glass door ng gasolinahan.

Nang makapasok ang kasabwat, winasak ang vault at nilimas ang P144,605 cash na nakalagay doon.

Nakita ni Sarah Jean Ulidan, 29, admin assistant, ang kanilang ginawang pagnanakaw kaya nag-report sa pulis at ipinaaresto ang sekyu.

Nahaharap sa kasong robbery ang guwardiya habang tinutugis pa ang kasabwat nito.