Sekyu Dead-on-the-spot ang security guard na ito matapos magulungan ng trailer truck sa Mel Lopez Blvd., Tondo, Manila.

Sekyu pisak sa truck

December 13, 2024 Jonjon Reyes 316 views

HALOS mapisak ang 29-anyos na security guard makaraang masagasaan ng trailer truck habang tumatawid sa Mel Lopez Boulevard sa Brgy. 128 malapit sa exit ng Manila Harbor Center sa Tondo, Manila noong Miyerkules.

Ang biktimang si Arnold Antonio Jr. residente ng Block 14, Old Site, Bagong Lupa, Baseco compound, Port Area, Manila.

Batay sa ulat ni Police Corporal Rudolf Riddick Fajardo ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bandang alas- 12:05 ng hatinggabi naganap ang insidente.

Tumatawid ang biktima ng biglang sumulpot ang trailer truck (835600) na minamaneho ni Raymond Rodelas, 35.

Dead-on-spot ang biktima matapos magulungan ang ulo nito ng nasabing truck.

Sumuko ang driver ng truck at nagbigay ng salaysay sa mga pulis tungkol sa nangyari.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang driver ng truck.

AUTHOR PROFILE