Posas

Sekyu arestado sa nakaw habang kumukuha ng police clearance

December 29, 2023 Steve A. Gosuico 550 views

GUIMBA, Nueva Ecija–Tiklo ang isang security guard noong Huwebes habang kumukuha ng police clearance matapos mabuking na may warrant of arrest siya para sa qualified theft na isinampa mahigit 10 taon na ang nakakaraan.

Kinilala ni police chief Lt. Col. Reynold B. Macabitas ang arestadong suspek na isang 62-anyos na residente ng Brgy. Partida Uno, Guimba.

Hinuli siya ng mga operatiba ng Guimba police warrant section dakong alas-3:00 ng hapon.

May naka-binbin na arrest warrant para sa qualified theft na ipinalabas ng Executive Judge ng Imus, Cavite Regional Trial Court Branch 21 ang suspek, ayon sa pulis.

AUTHOR PROFILE