MPD INSPEKSYON–Pinangunahan ni MPD Chief PCol. Arnold “Tom” Ibay ang pag iikot sa Divisoria kasama sina PLt. Col. Wilson Villaruel at Lt. Col. Rex Layug para masiguro ang seguridad ng mga mamimili sa nasabing lugar. Kuha ni Jon-Jon Reyes

Seguridad ng Divisoria shoppers tiniyak ng MPD

December 1, 2023 Jonjon Reyes 245 views

TINIYAK ng Manila Police District (MPD) na handa na ang buong pwersa ng mga pulis para tiyakin ang seguridad ng mga mamimili sa Divisoria ngayong papalapit na ang Pasko.

Ayon kay MPD Director Police Colonel Arnold Thomas Ibay, nakaalerto ang mga police commanders mula sa nakakasakop ng Divisoria sa Juan Luna St. at C.M Recto St., sa Moriones at Binondo Meisic PS 11.

Dito inatasan ni Ibay sina Police Lieutenant Colonel Wilson Villaruel, Station Commander ng MPD-Moriones Police Station 2 at Police Lieutenant Colonel Rexson Layug ng Meisic Police Station 11.

Umaga noong Miyerkoles nang mag ikot si Ibay sa buong Divisoria para makita ang kaayusan ng lugar, kasama ang mga kapulisan na sina PLt. Col. Villaruel at Lt. Col. Layug.

Nanawagan din si Ibay sa publiko na mamimili sa Divisoria na mag-ingat at huwag nang masuot ng mga mamahalin para hindi ma-attract ang mga kriminal.

AUTHOR PROFILE