WHAT'S NEW

SEE ALL
MPD Binibigyan ng instruction ni MPD Dir. PBGen. Leo โ€œPacoโ€ Francisco ang mga kapulisan na maging alerto ito sa kanilang pagbabantay sa mga unibersidad habang idinadaos ang Bar exam. Photo by Jon-jon Reyes

Seguridad ng Bar exams pinaigting ng MPD

February 6, 2022 Jonjon Reyes 397 views

SISIGURADUHIN ng Manila Police District (MPD) sa pamumuno ni MPD Director Police Brig. General Leo “Paco” Francisco ang seguridad ng mga kukuha ng pagsususlit sa pagka-abogado sa mga unibersidad sa lungsod ng Maynila.

Bukod sa Makati, Taguig, Mandaluyong, Navotas, Malabon, Pasay at sa lungsod ng Quezon, iniutos din ng MPD director ang paghihigpit sa mga pasilidad na pagdadausan ng dalawang araw na Bar exams.

Magsisimula ang pagsusulit ng bandang 7:00 ng umaga sa magkakahiwalay na unibersidad sa Metro Manila nitong biyernes at matatapos sa araw ng Linggo, Pebrero 6, 2022.

Kabilang ang De La Salle University na nasasakupan ng MPD Station 9 sa Malate, Manila sa ilalim ni PLt. Col. Rodel Borbe, commander ng nasabing station.

Ikinalat sa mga paligid ng 3 unibersidad na pagdadausan ng Bar exam ang ilang daang mga unipormadong pulis kabilang ang mga operatiba ng SWAT Mobile Patrol, TMRU, at EOD na magsisilbing patrolling operation sa mga ubersidad sa utos ni Gen. Francisco.

Bukod dito, may mga naka-sibilyan ding operatiba ang nag-iikot sa mga paligid nang pinagdadausan ng pagsusulit bilang dagdag sa pagbabantay.

Sa unang araw pa lamang ay naging mapayapa ang loob at labas ng mga eskuwelahan na pinagdausan ng Bar exam.

Bago ang pagsusulit, isinailalim sa swab testing ang bawat individual at napaulat na may nagpositibo 100 katao sa COVID-19 sa iba’t ibang eskuwelahan sa Metro Manila, subalit pinayagan din umano ang mga ito na kumuha ng Bar exam. Jon-jon Reyes at C.J Aliรฑo

AUTHOR PROFILE