Heart

‘See you soon’ ni Heart kay Chiz, pinagdudahan ng netizens

December 29, 2022 Vinia Vivar 341 views

Finally, ang pinakaabangan ng lahat mula kay Heart Evangelista ay naganap na sa latest Instagram update ng Kapuso actress.

Ito ay nang magbigay siya ng mensahe sa asawang si Sen. Chiz Escudero na tila “sagot” sa issue ng hiwalayan nila.

Nagbahagi ng isang short video si Heart na kasalukuyang nasa Paris ngayon showing off her watch na ini-endorse habang namamasyal siya.

Aniya sa caption, “Living between 2 worlds Paris and Manila.”

“Walking around Paris before heading home for New Year,” aniya pa.

Pero ang matindi ay ang pahabol niya sa dulo.

“See you soon @escuderochiz,” ang maikling mensahe ni Heart para sa asawa.

Sapat na ito para magkagulo ang kanyang followers na matagal na ngang nag-aabang ng any statement niya regarding the issue na ilang buwan na nga ring nagsi-circulate.

Narito ang ilang reaksyon ng netizens:

“I love how a simple Ps shuts down all the rumors.”

“Pinagalaw na ni ninang ang baso!! Team keso at puso tayo.”

“OMG you made us all so happy with the “PS”! Thank God!”

“OMG! Kahit wala akong na reciv na gift this Christmas itong post mo lang idol super happy na ang Pasko… Can’t wait to see the two of you in one picture again.”

“Omggggg!!!! bat ako naiyak sa see you soon.’

“BOOM!!! P. S. LANG!!!! Tapos usapan.”

“Yeheyyyyyy I think they are okay now!!! Answered prayer!!!?? Sana sana…”

“Kanina lang naha high blood ako sa presyo ng sibuyas, pero nung nabasa ko yung PS. nawala na… Bibili pa ako isang kilo ng sibuyas kahit mahal.”

Pero may mga negatibo pa ring reaksyon ang ibang netizens na nagsabing baka “see you in court” ang ibig sabihin ni Heart.

Well, abangan na lang natin ang next post ni Heart pagbalik niya ng ’Pinas.

DREAM COME TRUE

Dream come true para kay Alfred Vargas ang upcoming movie niya kung saan ay makakasama niya ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.

Ididirehe ito ni Adolf Alix Jr. na first time rin niyang makakatrabaho.

Kaya naman labis-labis ang tuwa ng aktor/politiko.

“Dream come true to do a project with the one and only Superstar, Ms. Nora Aunor. Long overdue naman magka-project with direk Adolf. Before pa dapat kami nakagawa ng pelikula, hindi lang natuloy. This time, ito na.

“I admire the body of work of Direk Adolf at masarap siyang katrabaho. Isa siya sa pinakamagaling na young directors,” pahayag pa ni Alfred.

Gustung-gusto rin daw niya ang story ng pelikula at first time niyang gagawin ang ganung klaseng role.

“It’s a meaningful mother and son story by Gerry Gracio. May element na first time gagawin ni Nora in the big screen at ako naman, first time ko rin sa role na ito. Drama siya na may halong action and suspense,” pagbahahagi ng aktor.

Looking forward na nga raw siya sa shooting na magsisimula sa first quarter ng 2023. Pero aminado rin si Alfred na kinakabahan din siya at the same time knowing na si Ate Guy ang makakatrabaho niya.

“Honestly, may kaba sa akin. Bata pa lang ako, fan na niya ako. Paano pa kaya kung kasama ko siya sa eksena? Wow, grabe,” aniya.

Na-meet na raw niya si Ate Guy nang mag-usap sila personally about the project at na-starstruck nga raw siya pero hindi niya ipinahalata.

“Nagpa-picture ako sa kanya at super happy ako,” sey pa ng konsehal ng 5th District ng Quezon City.

Kaya naman masayang sisimulan ni Alfred ang taong 2023 dahil may gagawin siya agad na project at idolo pa niya ang kanyang makakasama.

AUTHOR PROFILE