
SED-duction
MATUNOG na naman sa social media ang hot na hot na si Seddy Ceandro matapos niyang ibahagi ang kanyang pasabog na litrato mula sa kanyang heavenly escape sa Siargao.
Suot ang pulang bra, parang namumukadkad na bulaklak ang social media star habang naka-upo sa diving pad, dinadakila ng mga puno ng niyog sa likuran.
Dinumog agad ng umaalab na reaksyon ang kanyang post. Pinusuan naman agad ng mga netizens ang kanyang post. Komento pa ng isang taga-hanga niya: “I love you!”
Walang duda, hindi lang alon ng dagat ang bumaha sa post ni Seddy — pati pawis ng netizens.