Security, defense pact sa Pinas isinusulong ng Germany
TARGET ng Germany na magkaroon security at defense agreement sa Pilipinas.
Sa courtesy call ni German Federal Defence Minister Boris Pistorius kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi nito na sisikapin ng kanilang hanay na maplantsa ang kasunduan ngayong taon.
Ito ay para mapanatili at masiguro ang seguridad at stability sa rehiyon.
Ayon kay Pistorius, nakausap na niya si Defense Secretary Gilbert Teodoro ukol sa naturang kasunduan.
“And I had a really splendid talk with my colleague Secretary Gilbert yesterday, very trustful, very candid, and we decided both of us that we would like to have a security agreement, a defense agreement between our two countries, and we want to try to sign it until the end of the year,” pahayag ni Pistorius.
“We sent already a draft a couple of weeks ago, and so we can continue working on it. We are close. We are convinced that it is necessary even more than ever before to work together, to stand together, to support rules-based international order, because all of us know and we experience every day that the security of one region is always at the same time the security and stability of the other region,” pahayag ni Pistorius.
Kaugnay nito ay nagpahayag ng pasasalamat si Pangulong Marcos sa Germany para sa patuloy na pagsuporta sa rules-based international law na pinanghahawakan ng Pilipinas sa gitna ng patuloy na usapin sa West Philippine Sea.
Kasama ng German defense minister na nakipag- courtesy call kay Pangulong Marcos si German Ambassador to the Philippines Andreas Pffafernoshcke.