Glaiza

Secret marriage, dinenay ni Glaiza

November 18, 2021 Ian F. Fariñas 305 views

BUSY days ahead para sa Kapuso actress na si Glaiza de Castro dahil pagkatapos mag-quarantine mula sa pagbisita sa kanyang Irish fiance na si David Rainey ay sabak agad siya sa launch ng isang bagong endorsement at lock-in taping ng isang GMA series opposite Xian Lim.

Si Glaiza ang bagong mukha sa likod ng Endless Beauty by HBS na pag-aari ni Jamie Prado. Siya rin ang makakatambal ni Xian sa False Positive na papalit sa naudlot na Xian-Jennylyn Mercado series na Love. Die. Repeat.

Naka-schedule na mula November 27 hanggang December 18 ang lock-in taping nina Glaiza at Xian kaya naman hoping ang aktres na mag-align ang schedule niya para maplano na nila ni Dave ang pagpapakasal.

Pinabulaanan ni Glaiza ang tsika na secretly married na sila ni Dave.

“Well, ang dami naman po nilang pwedeng isipin, eh. Everytime na aalis ang artista, ‘ah, baka buntis, baka nagpakasal.’ Maybe I’ll wait for the right time, when I’m ready to say something about it.

Kasi sa ngayon, ang dami pa nating pwedeng pag-usapan, pwedeng balikan, especially sa work. Maybe let’s just focus on that first,” sabi niya.

Sa edad na 33, handang-handa na raw si Glaiza mentally, spiritually at physically sa pag-aasawa.

Sabi nga niya, “It’s time for me to go through that kasi na-develop ko naman na ang identity ko, ang individuality ko. I can say I’m secure, David is secure. Maybe when the right time comes, you know…”

Wala rin siyang nakikitang problema sa pagkakaiba ng kultura nilang dalawa at maging sa lifestyle dahil hindi naman daw masyadong malayo ang buhay sa Ireland dito sa ’Pinas.

Sa pagbisita niya roon kamakailan lamang, wala raw masabi ang aktres sa pamilya ni Dave dahil “they really made me feel na walang kulang, wala akong nami-miss, there’s always something to look forward to.”

AUTHOR PROFILE