Default Thumbnail

Second batch ng Pinoy-made CubeSats nasa kalawakan na

July 21, 2023 People's Tonight 113 views

PINAKAWALAN na sa kalawakan ang Maya 5 at Maya 6 at handa na umano itong tumanggap ng misyon, ayon sa Philippine Space Agency (PhilSA).

Ang mga cube satellites (CubeSats) ay pinakawalan mula sa International Space Station (ISS) noong Hulyo 19 023 ng hapon bilang bahagi ng “Kibo” o Japanese Experiment Module (JEM) Small Satellite Orbital Deployer-26 (J-SSOD-26) CubeSat deployment mission.

Ang mga CubeSats ay dinala sa ISS ng SpaceX Dragon Falcon 9 na lumipad sa Kennedy Space Center ng NASA sa Florida noong Hunyo 5. Ang space launch ay bahagi ng ika-28 Commercial Resupply Mission ng SpaceX sa ISS Harmony module.

Ang bawat isa sa dalawang Mayo CubeSats ay tumitimbang ng 1.3 kilo.

Ang mga ito ay ginawa ng Space Science and Technology Proliferation through University Partnerships (STeP-UP) Project ng STAMINA4Space Program.

Sina Joseph Jonathan Co (Project Manager), Anna Ruth Alvarez, Ronald Collamar, Angela Clarisse Chua, Chandler Timm Doloriel, Khazmir Camille Valerie Macaraeg, Genesis Remocaldo, at Gio Asher Tagabi ang nag-develop ng mga CubeSats bilang bahagi ng nanosatellite development track sa ilalim ng Master of Science (MS)/Master of Engineering (MEng) program ng UPD Electrical and Electronics Engineering Institute (EEEI).

Nakatuwang nila sa paggawa ng CubeSats ang Kyushu Institute of Technology (Kyutech) ng Japan.

AUTHOR PROFILE