Garcia Tourism Sec. Christina Garcia Frasco

Sec. Frasco makabagong Superwoman — Madrona

April 3, 2024 Mar Rodriguez 102 views

NAGPAABOT ng marubdob at taos-pusong pagbati ang chairman ng House committee on tourism na si Romblon Lone District Rep. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona kay Tourism Secretary Maria Christina Garcia Frasco dahil sa nakamit nitong Gawad Pilipino Babae Ka Award.

Garcia1Si DOT Secretary Christina Garcia Frasco at si House Deputy Speaker at Cebu 5th District Rep. Vincent Franco “Duke” Frasco

Ipinahayag naman ni Frasco ang kaniyang taos-pusong pasasalamat kay Madrona dahil sa ipinaabot nitong pagbati at sinabing isang malaking karangalan ang iginawad na parangal sa kaniya.

Sinabi ni Frasco na kasabay ng paggunita sa accomplishments ng mga kababaihan, kinakailangan din pagnilayan ang mga nagsisilbing hadlang at mga pagsubok na kinakaharap ng kanilang hanay, lalo na’t malaking kontribusyon ang kanilang naimbag sa lipunan.

Ayon kay Frasco, bilang nanay ng apat na anak, nauunawaan niya ang mga pagsubok na kinakaharap ng mga kapuwa niya kababaihan sa pangaraw-araw na buhay, partikular na ang pagsisilbi sa mga pangangailangan at iba pang mahahalagang gawain ng kani-kanilang pamilya.

“Being a mother of four young children, I fully understand the challenges that women face every day. This, as they try to be dutiful to their responsibilities, as they try to pursue their passions and their respective careers and advocacies, all while being daughters, sisters, wives and mothers,” sabi ni Frasco.

Sinabi ni Madrona na ang natanggap na parangal ni Frasco ay resulta lamang ng kaniyang pagsusumikap partikular na para sa Department of Tourism (DOT) upang lalong mapabuti ang sektor nito, kung saan 127,000 Filipino tourism workers ang sumailalim sa training ng DOT.

Para kay Madrona, maituturing si Frasco bilang makabagong “superwoman” o isang “modern day superhero” dahil sa ipinapakita nitong husay, talino at galing para mas lalo pang mapaunlad ang turismo ng bansa.

AUTHOR PROFILE