Si Department of Tourism Secretary Christina Garcia Frasco kasama ang mga delado ng Kingdom of Bahrain matapos sa welcome cocktails na hino-host ng Kingdom of Bahrain para sa 9th United Nations Tourism World Forum on Gastronomy sa Manama, Bahrain.
Sec Frasco dumalo sa 9th UN Tourism World Forum sa Bahrain
DUMALO si Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco sa welcome cocktails ng Kingdom of Bahrain para sa mga delegado ng 9th United Nations Tourism World Forum on Gastronomy sa Manama, Bahrain noong Linggo.
Kasama si Secretary Frasco sa delegasyon ng Pilipinas sa UN Tourism forum mula Nobyembre 18 hanggang 19 sa Exhibition World Bahrain (EWB).
May talakayan ang pagtitipon na may theme na “Shaping Policies for Advancing Gastronomy Tourism.”
Kabilang sa mga dumalo sa event ang Ministro ng Turismo ng Bahrain na si Fatima bint Jaffar Al Sairafi at ang Secretary General ng Turismo ng UN na si Zurab Pololikashvili.