Sec. Angara planong palakasin internet sa mga paaralan
WALANG kumontra o humarang man lamang sa pagtatalaga ng makapangyarihan Commission on Appointments (CA) kay dating Sen. Juan Edgardo Sonny Angara matapos nitong malagpasan ang mabusising CA kung ay nagkakaisa ang mga miyembro nito na siya ang tamang pinili para sa nominasyon bilang bagong kalihim ng Edukasyon.
Si Angara ang bagong pumalit kay Bise President Sara Duterte matapos bumitiw ang huli ang kanyang posisyon bilang kalihim ng Edukasyon nuong nakaraan Hunyo 2024.
Sa panayam, sinabi ni Angara na prioridad niya ang palakasyin ang internet sa iba’t ibang parte ng eskwelahan sa Pilipinas mula Luzon, Visayas at Mindanao upang makatulong sa pag-aaral ng mga ito lalo’t nangangailangan ng malakas ng internet koneksyon ang karamihan sa mga estudyante na nakasandal sa kasalukuyan galaw ng teknolohiya.
Ayon naman kay Sen. Raffy Tulfo, chairperson ng Committee on Education si Angara ang totoong karapat dapat sa nasabing posisyon dahil sa taglay nito kakayahan sa academe at sa karanasan nito sa serbisyo publiko. Agad naman na inaprubahan ng plenaryo ang pagtatalaga kay Angara nang walang masyado pagbusisi kumpara sa iba pang mga kalihim na kadalasan dumadaan sa butas ng karayom.
Matatandaan na nagkakaisa ang mga senador sa pagpuri sa Pangulong Marcos jr. matapos nitong piliin si Angara bilang kapalit ni VP Duterte kung saan ay naniniwala silang makagagawa ito ng malaking pagbabago sa kasalukuyang sistema.
“He is a champion for education and knowing his background, Senator Angara can introduce new shapes, hopes and dreams for every Filipino student a reality,” ani Sen Nancy Binay na isa sa malalapit na kaibigan ng bagong kalihim.
Pinapurihan din ni Senate President Francis Chiz Escudero si Angara at sinabing walang rason para kwestiyunin ang kakayahan ni Sec. Angara dahil sa kanyang mga kontribusyon sa larangan ng paggawa ng batas at mga reporma ginawa nito.
Si Angara ay nagtapos ng Master of Laws mula sa Harvard University, Bachelor of Laws namans sa University of the Philippines, at Bachelor of Science in Economics mula sa London School of Economics.
Sa mga panukalang batas nito na na aprubahan na ay ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act at ang Enhanced Basic Education Act of 2013 (K-12).
Nagkaisa rin ang mga ibat ibang organisasyon sa larangan ng edukasyon na kinabibilangan ng Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) at ang Philippine Association of Colleges and Universities (PACU).