Influencer

Sean at Cloe, tinablan sa eksenang lampungan

August 5, 2022 Jun Nardo 54 views

MALALA na, malupit pa ang mga eksena sa kama nina Cloe Barretto at Sean de Guzman sa pelikulang The Influencer na dinirek ni Louie Ignacio.

“Mas daring pa sa daring. Malala as in malala talaga, Ibinigay ko ang lahat, kasi ang ganda ng istorya,” pahayag ni Sean na isang sikat na media infuencer ang role na ginagamit ang mga babaing follower niya.

Second movie ito ni Cloe na unang napanood sa Tahan.

Tinalbugan niya ang nagawang sex scenes sa Tahan. Sisiw ito kumpara sa The Influencer dahil sa obsession kay Sean.

Diretsahan naming tinanong sina Sean at Cloe kung tinablan sila sa sexy scenes kahit kapatid ang turingan nila sa isa’t isa sa tunay na buhay.

“Opo! Madadala ka! Tao lang,” sey ni Sean.

Eh, si Cloe?

“Siguro! Nakakadala kasi ’yung love scenes namin ni Sean,” pahayag naman niya.

Mula ito sa panulat ni Quinn Carillo at dahil unang Vivamax movie ito ni Direk Louie, nagpasiklab talaga siya nang todo-todo.

NON-STOP KANTAHAN AT TAWANAN

NON-STOP kantahan at tawanan ang handog bukas ng GMA show na The Boobay and Tekla Show.

Featured ang The Cash na isang parody ng GMA reality competition na The Clash.

Magbabakbakan sa The Cash: Videoke Night sina Mau Marcelo, EA Guzman, Jennie Gabriel at stand-up comedians Ian Red at Pepita Curtis.

Ang TBATS ang pinakamasaya at pinakabrutal sa asaran at kantahan.

AUTHOR PROFILE