SCD owner/CEO pinupuntiryang endorsers sina Heart at Piolo
Ang bongga ng birthday celebration ng owner at CEO ng SCD Skin Care na si Gracee Angeles na ginanap nitong Lunes sa Sundowners Beach Resort sa Botolan, Zambales.
Kasabay ng kanyang kaarawan ay ini-launch din ni Miss Grace ang bagong produkto ng SCD Retinol serum.
Ayon sa entrepreneur, two years in the making ang Retinol serum at talagang pinag-aralan muna nilang mabuti bago ito ilabas sa market.
Masaya si Miss Gracee na kahit eight years pa lang ang SCD ay kilala na ito sa bansa dahil na rin sa maraming bumibili ng produkto.
“Pinaka naging best seller po namin ay ang SCD Peeling Skin Lotion. Siya po talaga ang nagpakilala sa SCD,” aniya.
Taong 2022 nang kunin niya si Lovi Poe bilang first celebrity ambassador ng SCD and since then ay mas lalo pa raw nakilala ang kanilang mga produkto.
Given the chance ay dream daw niyang kunin na endorsers sina Heart Evangelista at Piolo Pascual.
Bagama’t sinasabi ngang boom na boom ngayon ang skin care industry at marami ang nagiging milyonaryo sa negosyong ito, ayon kayMiss Gracee, nagsimula siya talaga sa zero.
“For three years or more, as in lagapak. Hindi ako nag-start na biglang boom. Talagang dinaanan ko muna lahat kung ano ‘yung madadaanan ng isang business owner.
“Pero maganda po kasi ‘yun kasi I know how to reach people, I know how to secure their investment, I know what they need,” aniya.
Ngayon ay medyo okay na raw ang kumpanya at natutuwa siya na marami ring natutulungang disributors ang SCD.
“Mas nagiging mayaman ‘yung distributors kesa sa akin. ‘Yun ang kagandahan po nu’n,” aniya.