Hosaka

SC RULING GALANGIN

June 10, 2023 People's Tonight 413 views

UMAPELA ang lokal na pamahalaan ng Taguig na galangin ang pinal na desisyon ng Korte Suprema sa Taguig-Makati territorial dispute.

Sa isang statement na ipinalabas ng Taguig City, sinabi nito na tinuring lamang nila na “fake news” ang mga unang kumakalat na social media posts na maaaring muling buksan ang kaso ng territorial dispute. Wala ring natatanggap na kautusan ang Taguig hinggil sa umano’y oral argument sa pagbubukas muli ng naturang issue.

“For the record, we have not received any notice from the Court setting the case for oral arguments,” ayon sa Taguig.

Pinunto pa ng Taguig na mismong si Supreme Court (SC) Spokesman Brian Keith Hosaka ang naglinaw na walang itinatakdang oral arguments hinggil sa territorial dispute dahil nagkaroon na ng entry of judgement sa kaso.

Giit pa ng Taguig na mahaba ang itinakbo ng kaso at anumang naging desisyon sa kaso ay dapat na igalang.

“Our legal dispute with Makati has come to an end. However bitter the result may be to the losing party, the final decision must be accepted with good grace,” dagdag pa ng Taguig.

Ang final and executory decision sa Makati-Taguig dispute ay ipinalabas ng SC noong Setyembre 28, 2022, matapos nitong ibasura ang motion for reconsideration ng Makati City. Sa nasabing desisyon, sinabi ng SC na wala nang anumang pleadings, motions, letters o anumang komunikasyon ang tatanggapin na may kaugnayan sa usapin. Maging ang apela ng Makati na iakyat sa SC en banc ang kaso ay ibinasura din sa kawalan ng merito at ang tangka nitong paghahain ng ikalawang motion for reconsideration ay hindi pinapayagan sa rules of procedure.

Nilinaw ng Taguig na may kumpiyansa ito sa national leadership.

“We have unequivocal faith in the integrity of our national leadership,” giit ng Taguig.

“Taguig has its own programs and projects which deliver efficient and timely public services aimed at attaining our vision for a transformative, lively, and caring community. What we have we share to the fullest with our fellow Taguigeños, just as the parable of the widow and the two coins teaches us that it is not so much the quantity of the gift but the generosity of giving which is most important,” ayon pa sa Taguig.

AUTHOR PROFILE