Say ng netizen: Totoo ang chismis kay Nadine Lustre
HINDI na nakaligtas ang aktres na si Nadine Lustre sa pang-dogshow ng netizens sa bagong post nito sa Instagram.
Inulan kasi si Nadine ng batikos mula sa mga users, na tinago umano ng aktres ang mga handa niya sa noche buena para maging “aesthetic” pa rin ang vibe ng larawan nito sa IG.
Narito ang kanilang mga komento.
“Totoo ang chismis. Itinabi muna ang handa para minimalist parin.”
“Tinabi mo muna lahat ng noche buena niyo para minimalist parin ang picture mo 🙄.”
“Madame tinago mo na naman noche buena para sa picture at maging minimalist lol hahaha.”
“Mommy, true ba tinago mo daw muna yung noche buena niyo para aesthetic pa din?”
“Buffet style kasi mga mhie. Wala sa table ‘yung handa,” paliwanag naman ng “Deleter” star.
Hinamon ng iba niyang taga-hanga na mag-handa reveal si Nadine, dahil tiyak umano silang may handang spaghetti ito.
“May spaghetti din yan,’ komento ng isang user. “handa reveal naman dyan mother,” dagdag pa ng isa.