
Sauna all
PINAINIT ni Apol Salangad ang social media matapos niyang i-repost ang isang throwback photo na literal na nagpapaliyab sa imagination ng kanyang fans!
Sa nasabing larawan, topless si Apol sa isang steamy sauna, gamit lang ang kanyang mga kamay bilang panakip sa kanyang nakakapasong alindog.
May pa-caption pa siyang “A sauna makes a woman most beautiful one hour after the bath,” pero mukhang hindi na kailangang maghintay ng isang oras — kasi ngayon pa lang, sumasabog na ang ganda niya!
Hindi nagpahuli ang kanyang mga nag-aapoy na fans sa comment section. “Ganda mo Apol!”, “Ganda talaga baby oh sobra!”, at “So beautiful and hot!” ang ilan lang sa mga reaksyon.