Sariling sikap para bagong taon talaga ang 2025
“Ang huwad na pag-asa ay mas mapanganib kaysa sa pangamba.”- J.R.R. Tolkien
ANG pag-asa ay itinuturing na isang positibong emosyon para sa ating kapakinabangan at dahilan upang matiis ang dinaranas ng buhay. Subalit marami rin ang nagbababala na ang pag-asang walang kaakibat na gawa, at ang mapanlinlang na “huwad na pag-asa,” ay masama dahil pinapalala lang nito ang sitwasyon na sanhing pagdurusa ng tao ( Nietzsche). Samakatuwid, mayroondin madilim na bahagi ang pag-asa.
May kasabihan tayo na “nasa Diyos ang awa, nasa taoang gawa.”
Bagamat hindi palagi, napipigil ng pag-asa ang kinakailangang aksyon para matupad ang layunin. Ibig sabihin, ang pag-asa o pagdarasal para sa isang bagay ay hindi awtomatikong nagpapahiwatig ng sariling pagkilos para maisakatuparan ang inaasam. Sa halip, maaari nitong panatilihin kang batugan, paralisado at naghihintay na lang na bumuhos ang grasya mula sa langit o mula sa isang taong iniidolo na may sekular na posisyong makapangyarihan na nagpapanggap na kampeon ng mga inaapi kahit na may sariling abilidad naman na magpatag ng daraanan patungo sa ninanais na bagay.Kadalasan, ang ganitong pag-asa ay madaling maanod—o bumagsak—sa isang panaginip o pantasya lamang.
Mayroon panawagan si Cardinal Jose Advincula na maging “ahente ng pag-asa.” Pipitsuging ahente ka kung hindi tatambalan ng gawa ang salitang banal- “ pag-asa”. Halimbawa, walang himalang magaganap kahit siyam na beses kang nagsimbang-gabi sa pag-asang papasa sa Bar exam dahil hindi ka naman nag- seryoso sa pag-rerebyung mga aralin ng batas. Ganyan din ang kalalabasan ng nanalangin habang naglalakad ng paluhod sa Quiapo para humaba ang buhay samantalang ayaw lubayan ang mgabisyo,pagpupuyat, pagkain ng masama sa kalusugan, at kawalan ng ehersisyo.
Samantala, ang huwad na pag-asa ay isang pag-asa na walang makabuluhang batayan sa reyalidad( Leon F. Seltzer, PhD (2018)). Ayon kay David Hume, ang pag-asaay batay sa probalidad ng inaasam na mangyayari. Kung imposible ang zero (0) at sigurado ang isa (1), ang pag-asa ay higit sa zero ngunit kulang sa isa. Ngunit kung ang probalidad ay zero, ang pag-asa ay isang ilusyon lang na makakabudol. Kahit na tambalan ng kilos,isa itong panlilinlang sa sarili, at sa kalaunan ay sasabotahe sa iyong kapakanan.
Sinulat ni Cathal Kelly (“Study Finds a Downside to Hope” (11/06/09), ang resulta ng pag-aaral ng University of Michigan na sinundan ang mga pasyenteng inalisan ng kanilang colon. Pagkaraan ng anim na buwan, ang grupong alam na permanente ang pagkawala ng colon ay nagpakita ng higit na kasiyahan sa buhay samantalangnalulumbay at naiinip ang grupong naghihintay ng pagbabalik ng kanilang mga bituka. Sinabi sa ulat na, “bagama’t kadalasan ay isang magandang bagay, nakikitanatin na ang pag-asa ay may madilim na bahagi.”
Kamangha-manghang ang pahiwatig na, “Kapagnamatay ang pag-asa, nagsisimula ang aksyon” (Derrick Jensen, Endgame).Sa sandaling mawalan ng pag-asa,dalawa ang maaaring mangyari: una, sumuko sa laban sabuhay;ikalawa, magpatuloy sa pagsusumikap namaisakatuparan ang layunin na itinakda para sa iyongsarili, at hindi alintana kung magtagumpay o mabigosapagkat magagawa mong patunayan—at marahil ay babatiin mo pa nga ang iyong sarili para sa—lahat ng industriya, kasigasigan, at tiyaga na inilagay mo sa iyongpagtatangka. Kahit na ang pagtitiwala sa pag-asa ay lubhang nakatutukso, ang masigasig na paglalaan ng iyong sarili sa pagtatapos ng pinagdurusaan ay isang mas maaasahang paraan upang guminhawa ang buhay.
Ang mundo ay pinaghaharian ng kaungasan, kapangambahan at kasakiman ( Albert Einstein). Para magapi ang pangamba, sundin ang babala ni Tolkientungkol sa huwad na pag-asa. Ang taimtim na paglalaanng sarili sa mga kontrolado mo upang maging reyalidadang guni-guning larawan ng magandang bukas, at ang pagtitiwala sa sarili- sa iyong taktikal at maingat napagsisikap, ang maglalapit sa katuparan ng pangarap mopara sa pamilya,pamayanan, at bansa.
Iwaksi ang mga maling ugali at magtiwala sa sarilingsikap para tunay na bagong taon talaga ang 2025.Manigong Bagong Taon sa ating lahat!