Default Thumbnail

Sari-saring Pag-asa Program ni Cayetano naka-6Kbeneficiaries na

November 16, 2021 Ryan Ponce Pacpaco 224 views

UMABOT na sa humigit-kumulang 6,000 beneficiaries ang natulungan ng programang “Sari-saring Pag-asa” ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano.

Ang Sari-Saring Pag-asa ni Cayetano ay nagbibigay puhunan sa mga maliliit na tindahan na iginupo ng coronavirus disease-19 (COVID-19) sa buong bansa.

Nangyari ito matapos magkaroon ng karagdagang 100 sari-sari store owners ang tumanggap ng tig-P3,500 sa ilalim ng Sari-Saring Pag-asa program kaya umabot na sa 5,937 ang kabuuang benepisyunaryo nito.

Nananggaling ang 60 beneficiaries sa Laoag City, Ilocos Norte; Urbiztondo, Pangasinan; at San Fernando City, La Union at online beneficiaries naman ang natitirang 40.

Buo ang pasasalamat ng mga-taga-Ilocos Norte at maging si Pangasinan 5th District Rep. Ramon Guico III at ang kanyang kabiyak na si Maan Tuazon Guico ay nagpahayag ng kanilang pasasalamat kay Cayetano dahil sa tulong na inaabot ng programa sa mga small business owners.

“Kasama po ang aking asawa na si Cong. Ramon Guico III, kami po ay nagpapasalamat kay former Speaker Alan Peter Cayetano sa kanyang programang Sari-Saring Pag-asa. Maraming-maraming salamat po ulit sa inyong programa at tulong para sa mga Pangasinense,” ani Gng. Guico.

“Napakaganda po nitong programa ni Senator Alan Peter Cayetano, itong Sari-Saring Pag-asa, dahil nga po ngayong pandemya, talagang ang pamilyang Pilipino po, marami po talaga ang nahihirapan, and karamihan po sa atin ay nawalan ng trabaho, nasa bahay lang po, and isa sa mga oportunidad na pagkakakitaan po ay ang sari-sari store,” sinabi naman ni San Fernando City, La Union Vice Mayor Alfredo Pablo Ortega.

Layunin ng Sari-Saring Pag-asa program na magbigay ng dagdag-puhunan sa mga sari-sari store owners na naapektuhan ng pandemya.

Hinihikayat ng programa na gamitin nila ang P3,500 para ma-restock ang kani-kanilang mga tindahan para makatulong ito hindi lang sa kanila, kundi maging sa ekonomiya na rin.

Maliban sa Ilocandia at Northern Luzon, nakarating na rin ang tulong ng Sari-Saring pag-asa ni Cayetano sa iba’t ibang lugar sa Luzon, Visayas, Mindanao at NCR. Kabilang na dito ang Baguio, Bulacan, Pampanga, Zambales, Cavite, Laguna, Batangas, Cebu, Iloilo, Bacolod, Leyte at Samar at maging sa maraming lugar sa Mindanao gaya ng Davao, Zamboanga, Cagayan De Oro, BARMM, Gen. Santos at marami pang iba.

AUTHOR PROFILE