Sarah

Sarah unti-unting bumabalik

December 29, 2022 Aster Amoyo 609 views

SarahSarah1

​MAGMULA nang mag-asawa ang Pop superstar na si Sarah Geronimo sa Fil-Italian singer-actor, triathlete and entrepreneur na si Matteo Guidicelli nung February 20, 2020, she opted na mag-lie low sa singing career hanggang sa ito’y abutan ng pandemya which kept the industry crippled for over two years.

​But towards the last quarter of 2022 ay naglabas nga back-to-back track si Sarah and Viva Records napinamagatang “Dati-Dati” at “Cuori” which she promoted on “ASAP Natin `To” and “It’s Showtime”.

​Bukas, December 30 ng midnight, will be the digital release of her new single entitled “Sansinukob, Salamat.”

​This early ay excited na ang mga Popsters ni Sarah na muli itong magiging aktibo ngayong2023 at regular na siyang mapapanood muli sa “ASAP Natin `To” every Sunday maging sa paggawa ng pelikula at concert.

​Sarah is turning 35 (on July 25) kaya marami na rin ang naghihintay na magkaroon nasila ni Matteo ng sarili nilang `mini-me’

Nadine

Vice

Boss Vic panalo bilang producer

​ISANG mapagkakatiwalaang source ang nagbalita saamin na nalagpasan na umano sa takilya ng pelikulang “Deleter” ni Nadine Lustre ang pelikula nina Vice Ganda at Ivana Alawi, ang “Partners in Crime”. Ang dalawang pelikula ang nagpapaligsahan sa number 1 at number 2 slots ng tumatakbong 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF) na nagsimula sa lahat ng sinehan nationwide nung December 25, araw ng Paskoat magtatapos sa Enero 7, 2023. Malamang din na ma-extend ang palabas ng mga top-grossing films.

​Bukod sa pamunuan ng MMFF, masaya pareho ang Star Cinema at Viva Films dahil sa magandang turn-out ng mga manonood sa mga sinehan at nakita ang pananabik ng moviegoers na muling mapanood ang mga paborito nilang pelikula sa big screen.

​Among the movie producers na kalahok sa 48th year ng MMFF, si Boss Vic del Rosario, Jr. ng Viva Films ang panalo sa lahat dahil bukod sa solo production niya ang “Deleter” na dinirek ni Mikhail Red, co-producer naman siya sa “Partners in Crime” nadinirek ng box office director na si Cathy Garcia-Molina.

​Si Boss Vic din ang maituturing na “Producer of the Year” dahil siya rin ang nag-produce ng kauna-unahang box office movie for 2022, ang “Maid in Malacanang” na tinampukan nina Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Diego Loyzaga, Cristine Reyes, Ella Cruz, Elizabeth Oropesa, Beverly Salviejo among others na dinirek ng controversial na si Darryl Yap.

​Panalo rin ang kanyang itinatag na streaming app, ang Vivamax with over 5 million subscribers.

(Producer of the Year ang Viva sa recent 5th The Eddys Awards ng Society of Philippine Entertainment Editors o SPEEd.—Ed.)

Joaquin gumagawa ng sariling pangalan

KAPUSO actor Joaquin Domagoso is slowly carving a name of his own without banking on his father, Isko Moreno (Domagoso)’s popularity bilang actor at (dating) politician.

​The 21-year-old actor was named Best Actor sa 16th Toronto Fil & Script Awards in Toronto, Canada last November 23, 2022 dahil sa kanyang pagkakaganap sa pelikulang “That Boy in the Dark” na dinirek ni Adolfo Alix, Jr. Ang nasabi ding pelikula ang nagbigay sa young actor ng Best Actor trophy mula sa 2022 Five Continents International Film Festival, isang online filmfest in Venezuela.

​Sa limang anak ng mag-asawang Isko Moreno at Diana Lyn Ditan-Domagoso na sina Vincent Patrick, Frances Diane, Franco at Drake, tanging si Joaquin lamang ang sumunod sa kanyang ama na pumasok sashowbiz.

​Si Joaquin ay young father ng batang si Scott Angelo Domagoso sa kanyang kasintahang si Raffa Castro, ang nakababatang kapatid ng Kapuso actress na si Claire Castro na anak ng newscaster na si Diego Castro at apo ng yumaong veteran newscaster na siAngelo Castro and seasoned broadcast journalist na siJune Keithley.

​Si Joaquin ay huling napanood sa hit TV series na“First Lady” ng GMA at inaasahang magiging busy ngayong 2023.

MMDA Chairman masaya sa magandang turn-out ng MMFF 2022

MASAYA ang acting chairman ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na si Atty. Ramondo `Don’ Artes sa early turn-out ng filmfest nanagpakita ng lakas sa takilya ang natupad ang tema ng MMFF na “Balik-Saya” dahil balik sa mga sinehan ng libu-libong manonood para suportahan ang walongkalahok sa festival.

​Stand-out ang lakas ng mga pelikulang “Deleter” at “Partners in Crime” na neck and neck ang labanan sabox office. Nagpapakita rin ng puwersa sa takilya ang iba pang mga kalahok tulad ng “Labyu with An Accent,” “Family Matters,” “My Teacher,” “Nanahimik ang Gabi,” “My Father, Myself” at “Mamasapano: Now It Can Be Told”.

​At the end of the 15-day film festival ay doon lamang malalaman ang kabuuan ng kinita ng walongopisyal na kalahok maging ang individual ranking ng mga pelikulang kasali.

​Kung hindi man box office hits ang ibang kalahok, sana man lamang ay maitawid nila ang puhunan ng kanilang produced movies.

​SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon for notification of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo.

AUTHOR PROFILE