sarah

Sarah, mukhang preggy sa TVC

October 3, 2021 Vinia Vivar 142 views

Kilig na kilig ang fans sa bagong commercial ng mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

Thirty-one seconds lang ang TVC pero busog na busog ang fans dahil solid na mapapanood ang AshMatt sa buong duration with matching sweet moments.

Bukod pa nga rito ay napakaganda’t napakagwapo nila in formal wear. Bagay na bagay kay Sarah ang kanyang simple pero eleganteng black gown.

Mas lalo pang kinilig ang fans sa caption ni Matteo nang ipost niya sa Instagram ang video.

“Ladies & Gents, I’d like to share with you how proud I am of this lady, my wife. The journey was never easy, and that’s exactly what makes us who we are today.

“You’ve evolved, you’re empowered. And our lives are forever changed.

“Love, we’ve overcome boundaries,” ang caption ni Matteo at ito ring mga salitang ito ang maririnig mula kay Matteo sa kanilang commercial.

Hindi lang ang fans ang kinilig kundi pati kapwa nila celebrities tulad ni Iza Calzado na nag-react ng tatlong heart emojis.

Komento naman ni Judy Ann Santos, “galing” with matching clapping hands na emoji.

Ang iba namang fans ay nagkomento na naiyak sila sa sobrang ganda ng commercial at sa labis na kilig.

“I can’t breathe. Kinikilig ako sa inyo Jusko,” komento pa ng isa.

Pero may mga netizen din na nagkomento na mukhang preggy na raw si Sarah.

“She looks like she is expecting. She has a different glow and also have reasonably gained weight,” komento ng isang netizen.

“Feeling ko may little ashmatt na, my ashmatt heart,” saad naman ng isang AshMatt fan.

“Why do I feel like I’m the only one who thinks that the pregnancy announcement is coming really soon,” sey naman ng isa pang netizen.

“Parang buntis na si Sarah ganda nya grabe!” reaksyon pa ng isa.

2nd single, Christmas song

ganap nang recording artist si Madam Inutz sa kanyang debut single na Inutil.

Ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino ang personal na nag-asikaso at nag-conceptualize ng music video nito.

“Yes po, actually ako po ang nag-prepare ng lahat ng productions po. Naghanap ako ng team ng lahat nang nakatrabaho ko na, mula sa director, sa prod, sa stylist, make-up artist, hairstylist, lahat po. Mula sa music na ang nag-compose ay si Ryan Soto na matagal ko nang ka-tandem sa entertainment industry.

“Talagang pinaghandaan po namin ang music video dahil debut single niya ito at kailangang tumatak talaga sa masa,” deklara ni Kuya Wil.

Kailan niya nalaman na marunong palang kumanta si Madam Inutz?

“Actually, bago siya nagpa-handle sa akin bilang talent manager niya, tinanong ko muna kung ano ang pinaka-talent niya, doon lang ako humugot para i-groom si Madam Inutz. Deserving siyang tulungan, hindi lang siya nabigyan ng break,” sey ni Will.

Nagpapasalamat din ang manager at sobrang happy niya sa magandang pagtanggap ng mga tao sa Inutil.

“Sobrang priceless ang pagtanggap ng publiko sa single ni Madam Inutz, bukod sa puro positive ang feedback, malapit nang ma-reach ang 1 million views for one week, not bad as a starter,” aniya.

“Kaya na-motivate kaming gumawa ng Christmas song naman niya. Sangkap ng Pasko ang title. Promise, iiyak kayo sa song na ito. Sobrang mata-touch ang mga Pinoy. Sobrang makaka-relate sila na ang sangkap o ingredient ng Pasko ay pagmamahal sa pamilya,” dagdag ni Sir Will.

Samantala, zero ang lovelife ni Madam Inutz ngayon pero nagbiro siyang pwede naman daw siyang tumikim.

Asked kung sinong aktor ang gusto niyang tikman if ever, sagot ng controversial online seller at social media sensation, “Siyempre, si Ian Veneracion” sabay-tawa.

Pero type rin pala ni Wilbert si Ian kaya sey ni Madam Inutz, “Ay, sorry! Kay Sir Wilbert nga pala iyon, hahaha! Kasi si Ian, guwapo pa rin siya, matipuno pa rin. Doon mo talaga makikita ‘yong tunay na sarap. Hahaha! Pero sige, magpapaubaya na ako, hahaha!”

Anyway, mapapakinggan ang kantang Inutil sa Spotify, Apple Music, Amazon Music, Deezer, Tidal, Vevo, Tiktok, YouTube Music, Beatport, Instagram, Snapchat, Twitch, Shazam, iTunes, Facebook, iTunesRadio, etc.

AUTHOR PROFILE