Sarah Mga larawan mula sa Instagram/@sarahlahbati

Sarah Lahbati ipinasilip ang ‘tidy closet’

August 26, 2023 People's Tonight 78 views

Sarah1Sarah2Sarah3Sarah4Sarah5IPINASILIP ng aktres na si Sarah Lahbati sa kanyang followers ang itsura ng kanyang mga closet.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng celebrity mom ang kanyang journey sa mas organisadong living spaces. Ayon sa kanya, katuwang niya sa journey niyang ito ang isang professional home organizer na sinusubaybayan niya na ng ilang taon, si Issa Guico Reyes o mas kilala bilang Neat Obsessions.

Nag-post si Sarah na ibinabandera kung gaano ka-organized sa kani-kanilang closet ang kanyang mga bags, sapatos, damit, at maging mga accessories.

Pahayag ng aktres na nakatulong ang pagkakaroon ng organisadong living space sa pagkakaroon ng “peace at tranquility” sa kanyang sarili.

“Tidy closet – tidy mind. I’ve been following @neatobsessions for a few years now and have been dying to work with her in organizing our spaces at home & that dream has finally come true,” pahayag ni Sarah sa caption ng kanyang Instagram post.

“I’ve been more excited to play dress up everyday ever since being able to see my clothes properly. First step was to fix our closets, bags, shoes, clothes & accessories,” dagdag pa ng aktres.

“Can’t wait to show you more soon! One step at a time. More than anything, having an uncluttered space really does give you peace and tranquility. I’m so grateful for your help, @neatobsessions in arranging our home,” wika pa ng celebrity mom.

AUTHOR PROFILE