Sarah

Sarah isa nang ganap na pastry chef

June 5, 2022 Aster Amoyo 179 views

Sarah1

POP Superstar Sarah Geronimo (33) has just graduated from Heny Sison Culinary School.

Isa na ngayong pastry chef ang misis ni Matteo Guidicelli na kahit hindi pa nag-aaral ng culinary ay mahilig na itong mag-bake ng iba’t ibang cakes and pastries for her husband and friends.

Super proud ang singer-actor, triathlete at entrepreneur sa bagong achievement ng kanyang wife.

Kung si Matteo ay may itinayong Italian restaurant in Alabang, Muntinlupa, ang Da Gianni Cucina Italiana Restaurant na pinamamahalaan ng kanyang elder sister na si Giorgia, hindi kami magtataka kung isa sa mga araw na ito ay magkaroon ng sariling bake shop and pastries si Sarah.

Sarah is currently celebrating her 19th year in showbiz magmula nang siya’y tanghaling kampeon ng singing reality show na “Star for a Night” in 2003. Umaasa ang mga tagahanga ng Pop Star na babalikan niyang muli ang paggawa ng pelikula at concert. Matagal na ring inaasahan ang kanyang muling pagbabalik sa “ASAP Natin `To”.

Maganda siguro kung magkakaroon ng movie si Sarah na silang dalawa ni Matteo ang magkasama. Another good project would be a major concert na back-to-back ang celebrity couple.

Jhong kakaiba rin ang pagbabalik sa ‘Showtime’

BALIK na rin sa noontime program ng ABS-CBN ang dancer, singer, actor, host at politician na si Jhong Hilario last Saturday, June 4 kaya kumpleto na muli ang mga host ng programa.

Kakaiba ang ginawang pagbabalik ni Jhong sa programa dahil nag-disguise itong contestant ng “Tawag ng Tanghalan” as Friedrich Palacol at inawit nito ang “Kahit Maputi Na ang Buhok Ko” composed by Rey Valera at pinasikat ng megastar na si Sharon Cuneta. Sa kalaunan ay unti-unti siyang nakilala ng kanyang mga kasamahan sa programa sa pangunguna ni Vice Ganda na hindi naiwasan ang pagiging emotional nang unti-unting mag-alis ng kanyang disguise look si Jhong.

Tulad ni Anne Curtis, ang kanyang unang baby ang dahilan kung bakit siya pansamantalang nawala sa programa dahil gusto niya itong ma-proteksyunan sa Covid-19 gayundin ang kanyang pamilya.

Kahit nakabalik na sa “It’s Showtime” sina Anne at Jhong, wala umanong plano ang pamunuan ng programa na tanggalin sina Kim Chiu at Ogie Alcasid dahil malaki ang kontribusyon ng dalawa sa noontime show.

IyaIya1

Iya last na raw ang bagong baby boy

BABY boy muli ang isinilang ng TV host-actress na si Iya Villania last Saturday, June 4 sa ganap na 4:49 p.m.

Astro Phoenix V. Arellano ang pangalan ng pang-apat na anak ng celebrity couple na sina Iya at Drew Arellano. Ang kanilang panganay na si Antonio Primo ay 5 years old na na sinusundan ni Alonzo Leon (3) at pangatlo naman ang kanilang only girl na si Alana Lauren (1).

“My longest and most painful delivery but also the most special because I was praying for strength and courage EVERY SINGLE DAY hoping to get thru an unmedicated birth to wrap up this journey (yes guys, I believe this is the last!),” post ni Iya sa kanyang Instagram account.

Ang paglabas ng kanilang 4th child na si Astro ay magsisilbing advance birthday gift for Iya who will be celebrating her 36th birthday sa darating na June 29.

Si Iya ang entertainment segment host ng primetime news program ng GMA, ang “24 Oras” habang may sarili ring programa sa Kapuso network si Drew.

Neri

Neri nagsimula sa maliit na halaga ang maraming negosyo

SECURED na ang magiging future ng mga anak ng mag-asawang Neri Naig-Miranda at Chito Miranda (ng Parokya ni Edgar) dahil sa pagiging successful businesswoman ng Kapamilya actress na si Neri.

Bukod sa pagiging madiskarte sa buhay, kinu-consider na ‘wais na misis’ si Neri sa rami na negosyo nito ngayon.

Tatlong-libong piso lamang ang naging puhunan ni Neri ng kanyang simulan ang kanyang gourmet tuyo (dried fish) business na unti-unti niyang napalago. Ngayon ay meron na siyang sampu o mahigit pang negosyo kaya nakapag-invest siya ng farm sa Cavite, resthouse in Tagaytay and another acquisition in Baguio City.

Bukod sa gourmet tuyo, Neri has other business ventures tulad ng Very Neri Beddings, Very Neri Sleepwear, Very Nery Wedding Gown & Accessories, Ang Paboritong Suka ng Asawa Ko, The Wais Planner, Neri’s Bakeshop, Neri’s Not So Secret Garden, Neri’s Cottage at Miranda’s Rest House.

Sa 46th birthday ni Chito last February 7 ay niregaluhan siya ng kanyang misis ng isang yate.

Nasa college pa lamang noon si Neri ay mahilig na itong magbenta ng mga pagkain sa iba’t ibang tanggapan. Ang pagiging ma-diskarte ay dala-dala niya hanggang siya’y mag-asawa laluna nung kasagsagan ng pandemic.

Si Neri ay naging contract talent ng Star Magic.

Jake

Jake nagtagumpay bilang actor kahit latecomer

LATE man ang pagpasok sa showbiz ng isa sa mga anak ng dating Presidente, actor-producer na si Joseph `Erap’ Estrada na si Jake Ejercito dahil mas pinaboran nito ang makapagtapos ng kanyang pag-aaral sa ibang bansa, sinuwerte pa rin siya dahil sunud-sunod ang kanyang TV assignments ngayon na kanyang sinimulan sa romantic-comedy series na “Marry Me, Marry You”. Kasama rin siya sa “The Broken Marriage Vow,” na local adaptation ng hit BBC TV series at ngayon ay kasama rin siya sa cast ng “A Family Affair” kasama sina Ivana Alawi, Gerald Anderson, Sam Milby, Jameson Blake, John Arcilla, Joel Torre, Tessie Tomas at marami pang iba.

Nasa pangangalaga siya ng Star Magic ng ABS-CBN.

Samantala, sa kabila ng pagiging busy ngayon ni Jake sa kanyang acting career, he finds time to spend sometime with his ten-year-old daughter (sa actress na si Andi Eigenmann) na si Ellie who is currently with her mother and stepdad in Siargao.

Binibisita ni Jake si Ellie sa Siargao. Pero kapag may pasok sa school ang bata, she stays with her dad.

Marami ang natutuwa sa co-parenting arrangement nina Jake at Andi sa anak nilang si Ellie who is turning 11 on November 23.

Samantala, hanggang ngayon ay nananatili pa ring single si Jake at 32.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE