
Sanya, mas na-challenge bilang first lady
Ngayong Araw ng mga Puso, buong pagmamalaking inihahandog ng GMA Entertainment Group ang isa sa most-anticipated series and the sequel to the Philippines’ No. 1 show for 2021, First Lady.
Siyempre, pagbibidahan pa rin ito ng original tandem nina Gabby Concepcion as President Glenn Acosta and Sanya Lopez as First Lady Melody Acosta.
“Talagang hindi naman namin iniisip na magkakaroon ng book 2,” sey ni Gabby. “Although, ‘yung first book, talagang napakaganda. We have a good team that brought us to where we are right now.”
Ayon naman kay Sanya, mas challenging ang sequel dahil nga may malaking pagbabago sa kanyang karakter na mula sa pagiging yaya, ngayon ay First Lady na.
“Mas challenging po talaga ang maging First Lady,” she said. “’Yung First Yaya kasi medyo malapit-lapit pa talaga kay Sanya ‘yung character, eh. Unlike now, ‘yung pagiging First Lady, inaaral ko po talaga. Of course, nandyan din naman po si Direk LA (Madridejos) to help me.”
Ang First Yaya ay nagtapos on a happy note kung saan ay nagkatuluyan nga sina President Glenn and Melody.
Kaya sa sequel ay magpapatuloy lang ang kanilang romansa, this time ay mag-asawa na nga at siyempre, tatalakayin na ang kanilang married life habang si Glenn ay muling tatakbo bilang President.
Kasama sa nasabing serye sina Pancho Magno, Pilar Pilapil, Boboy Garovillo, Maxine Medina, Thou Reyes, Sandy Andolong at ang young Kapuso stars na sina Cassy Legaspi, JD Domagoso, Clarence Delgado and Patricia Coma.
Join din si Rocco Nacino in a very special guest appearance, Alice Dixson at marami pang iba.
With the upcoming presidential elections, the series will also serve as a timely and relatable source of entertainment for Filipinos nationwide.
Political and research consultants, including a national elections political strategist and a current member of the Presidential Management Staff (PMS), were hired to help to create a realistic view of the First Family’s daily life.
Mula sa direksyon nina LA Madridejos and associate director Rechie del Carmen, mapapanood na ang First Lady simula ngayong February 14, weeknights, sa GMA, GTV at Heart of Asia.