Sanya hindi nagmamadaling magka-lovelife

January 23, 2022 Aster Amoyo 286 views

TWENTY-five-year-old Sanya Lopez (Shaira Lenn Osuna Roberto in real life), is Kapuso actor Jak Roberto’s younger sister. She was discovered in 2012 by the late star builder and Master Showman, German `Kuya Germs’ Moreno when she accompanied Jak sa taping ng “Walang Tulugan with the Master Showman.” Nang makita siya ni Kuya Germs, agad niya ito isinali sa kanyang late night variety show sa GMA.

Tulad ni Jak at ng iba pang talents ng “Walang Tulugan with the Master Showman,” si Kuya Germs ang tumayo niyang tatay-tatayan at naging daan para magkaroon ng guesting sa iba’t ibang programa ng Kapuso network.

When Kuya Germs passed on, sinalo silang magkapatid ng GMA Artists Center. Kahit kailan ay hinding-hindi makakalimutan ni Sanya ang naging papel sa buhay nila ng kapatid niyang si Jak ni Kuya Germs dahil ito ang naging daan nila kung bakit sila pareho napasok sa showbiz.

Tulad ng ibang mga baguhan, nagsimula rin noon si Sanya sa mga supporting roles hanggang mag-level up na ito sa mga lead role. Bukod sa kanyang pagiging prized talent ng Kapuso network ngayon, isa narin siyang successful YouTuber with 1.36M subscribers.

Sa tulong ng kanyang naipong talent fees, nakapagpundar ang Kapuso star ng bahay in Quezon City kung saan siya ngayon nakatira kasama ang kanyang mom na si Marlyn at kapatid na si Jak.

Sanya was only two years old nang sumakabilang-buhay ang kanilang amang si Ramil Roberto, kaya mag-isa silang iginapang ng kanyang ina.

Samantala, kung si Jak is happily in a relationship with Kapuso young actress Barbie Forteza, si Sanya ay hindi nagmamadali na magkaroon ng lovelife.

AlexaAlexa naiipit kina KD at Eian

NATUTUWA ang 21-year-old Kapamilya singer-actress na si Alexa Ilacad sa magandang takbo ng kanyang career matapos siyang lumabas sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10. Ngayong nasa outside world na siya, agad lamang nila binalikan ang kanyang dating ginagawa, singing at acting.

Ayon sa dalaga ni Dina Madarang at Guy Ilacad, ang kanyang management (Star Magic) umano ang mas nakakaalam sa direksyon ng kanyang career.

Dalawang dating kasamahan sa PBB house ang iniuugnay sa kanya ngayon, sina KD Estrada (19) at ang nakababatang kapatid ng aktres na si Jenny Miller na si Eian Rances (28) na pareho umano niyang mga kaibigan. Pero sa dalawa, kinu-consider ni Alexa na kanyang soulmate si KD at marami umano ang kanilang common interests at kasama na rito ang musika. Pareho silang singer-composers.

May mga fans ang team-up nina ni KD gayundin din ang tambalan nila ni Eian. Ano kaya’t gawan sila ng proyekto ng ABS-CBN na silang tatlo ang magkakasama? Dito malalaman kung kanino mas magki-click si Alexa.

Kung matatandaan pa, parehong pang-third wheel noon sina Enrique Gil at Liza Soberano sa kanilang mga earlier projects until makita ng Kapamilya network ang chemistry ng dalawa.

Kung noon ay tinanggap ang tambalan nina Alexa at ex-boyfriend niyang si Nash Aguas, agad itong naputol nang magkahiwalay ang dalawa at aminin sa publiko ni Nash ang relasyon nila ni Mika de la Cruz, ang nakababatang kapatid ng aktres na si Angelika de la Cruz. It was Alexa’s first heartbreak. Pero sa halip na ma-depress ay pinagtuunan niya ang kanyang pag-aaral hanggang siya’y makapagtapos.

Sina Alexa, Nash at Mika ay pare-parehong produkto noon ng kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” kung saan din nagmula ang maraming young talents ngayon including Kathryn Bernardo at Julia Montes.

Ngayong tapos na si Alexa sa kanyang pag-aaral ay kaya na niyang mag-focus nang husto sa kanyang singing and acting career.

DiegoTeresa mas gusto na maraming galit sa kanya

NANINIWALA ang singer-actress na si Teresa Loyzaga na kapag marami ang nagagalit sa kanya in portraying character roles tulad ng kanyang papel as Lavinia sa katatapos pa lamang na primetime TV series na “Marry Me, Marry You,” nabigyan niya ng justice ang papel na kanyang ginampanan. Marami ang nagalit sa kanya dahil sa kanyang character sa serye na tinampukan nina Paolo Avelino, Janine Gutierrez, Cherrie Pie Picache, Vina Morales, Sunshine Dizon, Edu Manzano, Lito Pimentel, Jett Pangan, Joko Diaz at iba pa.

Samantala, proud mom naman si Teresa sa kanyang bunsong anak an si Diego Loyzaga dahil habang tumatagal ay lumulutang ang husay nitong umarte dahil bukod sa kanya ay nagmana rin ito sa amang si Cesar Montano.

Muling mapapanood si Diego sa Vivamax ngayong February 11 sa bago nitong movie under Viva Films, ang “The Wife” kung saan niya kabituin sina Louise de los Reyes at Cara Gonzales. Ito’y mula sa panulat at direksiyon ni Denise O’Hara.

Si Diego ay kasalukuyang nasa Amerika for his much-needed break.

FrancineDi pagkakaunawaan nina Francine at Andrea nakalulungkot

KAPAMILYA teenstar Francine Diaz is turning 18 on January 27 (Thursday) pero wala pa itong ibinabahagi kung matutuloy ang kanyang grand debut. At kung saka-sakaling matuloy ang kanyang debut party, sino kaya ang kanyang magiging escort? Si Kyle Echarri kaya o ibang guy? Ito ngayon ang inaabangan ng kanyang mga fans na umaasa na sana’y si Kyle ang kanyang maging escort sa napakahalagang okasyon.

Ang nakakalungkot lamang, pinag-aaway at iniintriga sila ng kanyang co-star na si Andrea Brillantes when they’re supposed to be good friends. Sino kaya ang nagpasimuno nito? At ano ang motibo ng gumawa nito?

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE