Sanya

Sanya at Jak wasak ang puso  sa pagpanaw ng fur baby

November 9, 2024 Vinia Vivar 162 views

Wasak ang puso ng magkapatid na Jak Roberto at Sanya Lopez dahil sa pagpanaw ng kanilang fur baby na si Dani.

Sa Instagram ay nag-post si Sanya ng ilang throwback pictures at videos kasama ang minamahal na alagang aso, gayundin ang burol nito.

“My Dani Boy…

“Ang sakit palagi na mawawala nalang silang bigla. Yung di mo alam bakit.. yung akala mo na palagi lang silang nanjan para sayo. Pero bigla nalang wala na sila. Ang sakit sakit sobra. Thank you

Dani… my little Danaya boy. Thank you for giving us so much love..I love you. Run free my Dani boy makakapag laro na ulit kayo ni Jong-jong,” caption ng aktres.

Tulad ni Sanya ay nag-post din si Jak ng mga larawan ng bonding moments nila ng alagang fur baby at inihayag din kung gaano kasakit sa kanya ang pagkawala nito.

“Run free Dani Boy.

“Isa sa pinakamasakit at mahirap tanggapin na pangyayari ito. Halos araw-araw ka sa lap ko dati pag nauupo ako. Kahit matagal na kita di nahawakan at nakasama sobrang ikinalulungkot ko ito, mahirap pero kailangan tanggapin. Mananatili kayo ni Jong-jong sa puso namin, thank you for the happy memories. Our most behave and clingy dog. Mahal na mahal namin kayo ni Jong-jong,” pahayag ni Jak.

AUTHOR PROFILE