Team Yey

Santino ng ‘Team Yey’ tampok sa musical abroad

July 30, 2021 People's Tonight 449 views

Patuloy na nagpupunyagi ang mga Pinoy sa international theatre scene matapos mapabilang ang “Team YeY” member na si Santino Juan Santiago sa katatapos lamang na theatrical adaptation ng Disney animated hit na The Lion King bilang Young Simba.

Isa si Santino sa dalawang Pinoy na kabilang sa New Zealand staging ng The Lion King, na pinalabas hanggang Hulyo 18 sa Spark Arena, Auckland.

Maliban sa kanyang pagganap bilang batang Simba, kilala rin siya sa bansa bilang isang mahusay na aktor sa teatro matapos gumanap sa Rizal Behind Bars at Noli Me Tangere the Opera at nakatanggap din ng nominasyon noon sa 2019 Aliw Awards bilang Best Child Performer.

May ilan ding “Team YeY” stars ang napabilang noon sa produksyon ng The Lion King, kabilang sina Marcus Cabais at Omar Uddin. Unang ginampanan ni Omar ang batang Simba sa Manila run nito noong 2018, habang alternate naman ni Santino si Marcus sa parehong karakter sa Hong Kong staging nito noong 2019.

Patuloy namang matutunghayan sina Santino, Marcus at Omar sa award-winning kids-oriented show na “Team YeY,” na mapapanood ang lahat ng episode mula season 1 hanggang 5 sa youtube.com/yeychannel na official Youtube channel ng YeY.

Mapapanood din ng mga bata ang mga paborito nilang YeY show sa Just Love Kids website ng ABS-CBN Entertainment.

AUTHOR PROFILE