Lorenzo Pinangunahan ni P/Lt. Col. Harry Ruiz Lorenzo lll, station commander ng MPD Stn. 2 ang pagpapatrolya suot ang Santa Claus hat, para magmanman sa mga masasamang loob na nambibiktima ng mga mamimili sa Divisoria. Kuha ni Jon-jon Reyes

‘Santa Cops’ inilunsad ng MPD- Moriones Station sa Divisoria

December 7, 2022 Jonjon Reyes 154 views

Bilang dagdag seguridad

UPANG manatili ang kapayapaan at seguridad sa pagdiriwang ng kapaskuhan, naglunsad ang Manila Police District (MPD) Moriones Police Station ng “Santa Cops” sa Claro M. Recto Avenue sa Divisoria, Tondo, Maynila para maghatid ngiti at kapanatagan sa mga mamimili, Miyerkules.

Pinangunahan ni Police Lt. Col. Harry Ruiz Lorenzo lll, station commander MPD Station 2, kanyang mga tauhan, mga PCP (Police Community Precinct) commander ang pag-iikot suot ang Santa Claus hat habang nagmamasid sa naturang lugar at bilang pangotra sa masasamang loob na nais mambiktima ng mga holiday shopper sa Divisoria.

“Pananatilihin (namin) ang katahimikan sa mga tao na mamamimili sa murang pamilihan sa Divisoria, at ang mga pasaway tulad ng mga mandurukot, holdaper at mga salisi (at) hindi sila lulubayan ng mga awtoridad,” ayon kay Lorenzo.

Bukod dito, tatambay din ang mga Santa Cops sa harap at loob ng mga mall na sakop ng Moriones Police Station sa Recto, Dagupan, at sa Sto. Cristo Street sa Tondo.

Ang taunang “crime prevention campaign” ay magsisilbing “mata” ng bawat mamamayan na magtutungo sa Divisoria.

Ayon kay Lorenzo, nakadeploy ang iba nitong tauhan sa lugar na itinuturing na “crime hot spots.”

AUTHOR PROFILE