
Sangkatutak na explosives, baril natagpuan sa Laguna
NAREKOVER ng magkasanib na puwersa ng 402nd at Regional Mobile Force Batalion 4-A ang sangkatutak na explosives at baril gamit sa Paete, Laguna noong Sabado.
Base sa ulat kay Calabarzon Police Regional Office Director PBGen. Paul Kenneth Lucas, natagpuan ang mga explosives at baril dakong alas-10:00 ng umaga sa Brgy. 9, Paete, Laguna.
Sa isinagawang Internal Security Operation (ISO), nadiskubre ang naturang mga gamit mula sa mapagkakatiwalaang impormante.
Hinihinala ng awtoridad na ibinaon ng hinihinalang mga rebeldeng NPA ang kanilang narekober tulad ng hand grenade, 1 rifle grenade, 2 kalibre 38 rebolber, 2 bandolier at 3 metro ng time fuse.
Nasa pangangalaga na ng pulisya ang mga natuklasang materyales para sa tamang disposisyon.