sanggol Isang sangol na nasa 8-9 na buwan gulang ang natagpuang wala nang buhay ng mga tanod ng Bgy. 623 sa Bacood PCP-MPD Station 8 Sta. Mesa, Manila. Kuha ni Jon-jon Reyes

Sanggol natagpuang patay sa ilalim ng tulay sa Sta. Mesa

February 28, 2022 Jonjon Reyes 481 views

ISANG sanggol na lalaki ang natagpuang palutang-lutang at wala nang buhay sa ilog ng San Juan papuntang Pasig River na sakop ng Bacood, Sta. Mesa sa Maynila, umaga nitong Lunes.

Tinatayang nasa 8 hanggang 9 na buwan na ang sanggol na lalaki na natagpuan ng isang barangay tanod sa Bgy. 623 sa ilalim ng tulay ng Bacood na nasa pagitan ng pasado alas-6:30 ng umaga.

Sa ulat na isinumiti ni Det. Zoilo Nazario kay P/Lt. Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, hinihinalang sa gabi itinapon ang bangkay ng sanggol na nakakabit pa ang pusod nito, na sinasabing napadpad lamang ng alon sa naturang lugar.

Ayon kay P/Lt. Leonardo So, commander ng Manila Police District Bacood Police Community Precinct sakop ng Station 8, nakipag-ugnayan sa kanila ang mga barangay officials saka nila ito ipinagbigay alam sa tanggapan ni P/Lt. Aguila.

Patuloy na iniimbestigahan kung sino ang may may pananagutan sa nakitang sanggol upang sampahan ng kaukulang kaso habang ang labi ng sanggol ay nasa pangangalaga ng Cruz Funeral Morgue. Nina Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE