Default Thumbnail

Sanggol natagpuang patay sa basurahan sa Sampaloc

September 8, 2021 Francis Naguit 433 views

INIIMBESTIGAHAN ng Manila Police District (MPD) ang isang kawani ng National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa umano’y itinapong bangkay ng sanggol sa kumpol ng basurahan sa Sampaloc, Maynila.

Nakasilid sa isang asul na box at eco-bag ang walang buhay na sanggol na nakasuot pa ng puting bonnet at dress.

Sa imbestigasyon ng MPD, nadiskubre ng isang garbage collector na si Marticio Acosta ang box sa sa kahabaan ng P. Noval St. kanto ng San Perfecto St. Brgy. 398, Sampaloc, Manila

Nang kanyang busisiin, tumambad sa kanya ang patay na sanggol.

Agad nitong ipinagbigay alam sa kinauukulan. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE