Default Thumbnail

Sanggol nalunod habang dumedede sa ina, dedo

August 1, 2024 People's Tonight 115 views

NAMATAY ang mahigit isang buwang sanggol matapos na malunod umano habang pinapasuso ng kaniyang ina sa loob ng kanilang tahanan sa Quezon City.

Ayon sa report bandang 3:30 ng madaling araw (July 28), nang maganap ang insidente sa loob ng tahanan sa Brgy. Bagong Silangan, Quezon City.

Lumilitaw na noong hatinggabi ng Hulyo 27, pinasuso ng ina ang kaniyang anak na sanggol hanggang sa inakalang nakatulog na umano ito.

Subalit makalipas ang ilang sandali, napansin ng ina na tila namumutla at naninigas ang katawan ng sanggol kaya sinubukan ulit niyang pasusuhin gunit hindi na gumagalaw ang labi nito.

Nang suriin ng ina ang sanggol ay natuklasan niyang hindi na ito humihinga pa.

Agad siyang humingi ng tulong sa kanyang mga kamag-anak gayunpaman, walang tumulong sa kanya upang dalhin ang sanggol sa ospital.

Ang insidente ay iniulat kalaunan sa pulisya para sa imbestigasyon at tamang disposisyon.

Sa pagsasagawa ng imbestigasyon, ang ina ng biktima ay nagsagawa ng hand written waiver na nagpapakita na siya at ang kanilang pamilya ay hindi na interesado na ituloy ang karagdagang imbestigasyon dahil kumbinsido umano ito na aksidenteng namatay ang sanggol dahil sa suffocation o pagkalunod habang pinapadede.

AUTHOR PROFILE