Crime

SANGGOL KINATAY NG ‘TIYO’

May 16, 2023 Jojo C. Magsombol 347 views

ISANG sanggol ang kinatay diumano ng kanyang tiyuhin noong Lunes sa Cainta, Rizal, ayon sa police report.

Ang malagim na insidente ay naganap sa Room 102, Basilio Room for Rent, Sampaguita St. Ampalaya Compound, Sitio Halang, Bgy. San Isidro.

Sinabi ng mga imbestigador ng Cainta Municipal Police Station (MPS) ang biktima ay tatlong buwang-gulang.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ng mga kapitbahay sa mga otoridad na umalis ang suspek sa nasabing bahay dakong 10:30 a.m. noong Mayo 15 at iniwan nito ang isa pang kapatid sa iba pa nilang kapitbahay kasama ang mga gamit nito.

Sa pagkakaalam nila na may sanggol na naiwan sa bahay ay agad silang nagtungo sa inuupahang silid nito.

Nakita nilang wala nang buhay ang biktima ay puno ng pasa at paltos sa katawan at ulo.

Ang biktima ay natagpuang nakatakip ng kumot.

Humingi agad ng tulong ang mga kapitbahay sa mga opisyal ng Barangay San Isidro at agarang inereport ang insidente sa Cainta MPS personnel.

Napag-alaman ng mg otoridad na ang suspek ay tiyuhin ng sanggol at siya ang nagba-bantay sa bata at ang isa pang kapatid nito habang nasa trabaho ang ina.

Hiniling sa Rizal Police Provincial Office (PPO) Scene of the Crime Operative (SOCO) technicians na mag-sagawa ng technical examination sa lugar ng insidente gayundin ang pag-otopsiya sa bangkay upang matukoy ang sanhi ng kamatayan nito.

Nagsasagawa ng follow-up operation ang Cainta MPS para sa posibleng pagkakaaresto at inihahanda na ang mga kaukulang dokumento para sa pagsasampa ng kaso laban sa tumakas na suspek.

AUTHOR PROFILE