Default Thumbnail

Sanggol iniluwa ng ilog sa Kyusi

July 22, 2022 Melnie Ragasa-limena 355 views

ISANG patay na sanggol na lalaki ang natagpuang lumulutang sa ilog sa Quezon City, Biyernes ng umaga.

Sa report ng Holy Spirit Police Station 14 ng Quezon City Police District (QCPD), bandang alas-9:20 ng umaga, Hulyo 22 nang matagpuan ang sanggol sa Sto. Niño Creek, Sto. Niño Ext., Bgy. Holy Spirit, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ni PSSg. Bienvenido DG Ribaya III, isa umanong babae ang nakakita sa sanggol na may nakakabit pang umbilical cord sa gitna ng ilog.

Akala umano ng nakakita ay “manika” lamang ang lumulutang pero nang makitang patay na sanggol ay agad nitong inireport sa mga opisyal ng barangay sa lugar.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung sino ang ina na nag-iwan ng sa sanggol sa ilog.