Sandro tuloy na ang laban sa diumano’y nagsamantala sa kanya
ANG 23-year-old Sandro Muhlach, eldest son of former child superstar Nino Muhlach (sa kanyang ex-wife na si Edith Millari-Capistrano now based in New York, USA) is on top of the entertainment news matapos lumabas ang hindi magandang ginawa sa kanya ng dalawa umanong `independent contractors’ ng GMA na sina Jojo Nones at Richard Cruz matapos ang successful GMA Gala Night nung nakaraang August 20, 2024 na ginanap sa grand ballroom ng Marriott Hotel in Pasay City. Ang `himala’ ay nangyari umano sa kuwartong kinuha ng dalawang `IC’.
Naghain na ng formal complaint si Sandro (and his family) sa pamunuan ng Kapuso Network na agad namang naglabas ng official statement.
Sinubukan naming makuha ang statement mismo galing sa mag-amang Nino at Sandro pero nag-text lamang sa amin si Onin (Nino) na magbibigay lamang umano sila ng pahayag pagkatapos nilang makapag-file ng criminal charges sa dalawang gumawa ng sexual abuse sa Sparkle artist na si Sandro na nangyari mismo pagkatapos ng Kapuso event nung July 20.
Hiningan din namin ng reaction ang biological mother ni Sandro na si Edith Millare-Capistrano pero isang simpleng sagot lamang ang ibinigay niya sa amin.
“Hi Tita, all is well until these bad circumstances happened. Kamusta na po kayo?” text back niya sa amin.
Hiningan namin ng statement si Edith pero minabuti nitong manahimik lamang muna at ipinauubaya muna niya sa mag-amang Nino at Sandro ang paggawa ng legal move laban sa dalawang gumawa nang kahalayan sa kanyang panganay.
The child superstar Nino Muhlach and Edith Millare got married nung 2000 at nagkaroon sila ng isang anak na si Alessandro `Sandro’ Martinno Millare Muhlach. Pero ito’y nauwi sa hiwalayan nung 2005.
Sina Nino at Edith ay may kani-kanya na ring buhay ngayon with Edith moving to New York, USA with her new family habang si Onin (Nino) ay may bagong wife na si Diane Tupaz at meron din silang isang anak, former child star Alonzo Muhlach.
Whenever Sandro has a long vacation, he spends it with his mom (and her family) in New York.
Bukod sa kanyang pagiging actor na kanyang sinimulan sa teatro when he was 13, Sandro also sings, plays the guitar, plays basketball and other sports. He’s also a licensed scuba driver which he got when he was 14. When he turned 19, niregaluhan siya ng kanyang Papa (Nino) ng isang brand new SUB car.
In fairness to Sandro, kahit nagmula siya sa showbiz royalty family ng mga Muhlach, napasok niya ang showbiz on his own by going through the traditional process of auditions until he was signed up by GMA. Although he has yet to make a mark on his own, Sandro is doing it slowly until this bad occurrence happened which traumatized the young actor.
Ang nangyari kay Sandro ay magsisilbi na ring babala sa iba pa na nagti-take advantage sa kanilang mga posisyon para `mambiktima’ ng mga inosenteng kabataan na naghahangad lamang na mabigyan ng pagkakataon at espasyo sa mundo ng showbiz.
Mga ‘kalaban’ ni Sandro kumuha na rin ng abogado
KUMUHA na rin ng legal counsel ang dalawang personalidad sa bakuran ng GMA na nasasangkot sa isang malaking kontrobersiya kung saan `biktima’ ang young Sparkle actor na si Sandro Muhlach, sa pamamagitan ni Atty. Maggie Abraham Garduque.
Nakikiusap ang lawyer nina Jojo Nones at Ronald Cruz na iwasan umano ang `trial by publicity’ sa kanyang mga kliyente habang ongoing ang imbestigasyon lalupat’t hindi naman umano alam ng publiko ang tunay na mga pangyayari.
Binanggit sa official statement ng GMA na `independent contractors’ umano sina Jojo at Richard.
Si Jojo ang tumatayong creative consultant at headwriter ng GMA sa ilan nilang TV series habang si Richard ay isa ring headwriter ng ilang mga serye ng Kapuso network.
Nagsasagawa na umano ang GMA ng sarili nilang imbestigasyon tungkol sa kasong kinasangkutan ng dalawa at ng Sparkle newbie na si Sandro na siyang nagsampa ng reklamo laban sa dalawa.
Maris career move ang pakikipaghiwalay kay Rico
ISA kami sa naniniwala na career move ang ginawa ng 26-year singer, songwriter at actress na si Maris Racal kaya ito nakipagkalas sa kanyang (dating) nobyo, ang music icon, ang singer, songwriter, record producer, musician at entrepreneur na si Rico Blanco (51).
Aksidenteng maituturing ang loveteam nina Maris at Anthony Jennings sa nagtapos na hit primetime TV series na “Can’t Buy Me Love” na pinangunahan ng magka-loveteam na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano o DonBelle. Sa nasabing serye nabuo at kinagat ang tambalan ng dalawa which prompted their home studio na i-build up sila bilang loveteam.
Since established na ang loveteams nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, KD Estrada at Alexa Ilacad (KDLex), Francine Diaz at Seth Fedelin (FranSeth), mukhang itong tambalan naman nina Maris at Anthony ang bagong tinututukan ng Star Magic at ABS-CBN. Katunayan, meron na silang naka-line up na serye at pelikula and a series of product endorsements.
Mukha namang ini-enjoy ni Maris ang kanyang bagong `freedom’ dahil malaya niyang nagagawa ngayon ang maraming bagay na hindi na niya kailangan ang approval ng dating nobyo.
Although tini-treasure at walang masasabi si Maris sa kanyang ex-boyfriend na si Rico na naging very supportive sa kanya, maiiba siguro ang sitwasyon kung magtuluy-tuloy ang tambalan nila ni Anthony na mukhang next big thing bilang isang loveteam.
Hindi pa man ganoon kainit ang tambalan nina Maris at Anthony ay marami na silang mga product endorsements na magkasama na napapanood na ngayon sa telebisyon.
Masasabi ring `accidental loveteam’ ang tambalan ngayon nina Maris at Anthony tulad nina Barbie Forteza at David Licauco ng GMA na nagsimula lamang nang magsama ang dalawa sa hit TV series na “Maria Clara at Ibarra”. Ngayon ay sina Barbie at David na ang pinakamainit na loveteam sa bakuran ng Kapuso network.
Rabiya na-challenge sa bagong trabaho
OVERWHELMED and challenged ang 2020 Miss Universe Philippines-turned actress and host na si Rabiya Mateo sa bago niyang role na ginagampanan bilang CEO ng isang jewelty business in Cavite with Drake Dustin as founder.
Since she’s new in the business laluna sa jewelry business, gusto niya itong araling mabuti and she’s even willing to undergo trainings and seminars kung kinakailangan for her to familiarize with the industry na kanyang pinasok lalupa’t malayo ito sa kanyang tinapos.
Gusto rin ni Rabiya na maging hands-on siya sa negosyong ito kaya inaaral niya lahat including the operation ng business.’
SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.