Sandro sinagot ang denial ng GMA ‘independent contractors’
Matapos ang pahayag sa Senado ng dalawang GMA independent contractors na inirereklamo ng sexual abuse ni Sandro Muhlach last Monday, bumalik ang Sparkle artist sa National Bureau of Investigation (NBI) last Wednesday.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN, nagtungo si Sandro sa ahensya kasama ang amang si Nino Muhlach para sa behavioral therapy session.
Sa panayam kay Sandro ay natanong siya kung ano ang masasabi niya sa naging pagtanggi nina Jojo Nones at Richard Cruz sa akusasyong sexual abuse.
Ayon kay Sandro ay ayaw na niyang magsalita pa tungkol dito at sa korte na lang niya sasabihin ang lahat ng detalye.
“Sa korte na lang po tayo magkakaalaman,” aniya.
Inamin din ng newbie actor na hindi siya okay ngayon.
“Right now I can’t say I’m okay. ‘Yung totoo, I am not okay. Nandito ako sa NBI kasi I’m having my evaluation sa behavioral science division. It’s the therapy for myself and for my mental health.
May anxiety ako, hindi ako nakakatulog,” aniya.
Samantala, nakakabanaag naman ng pag-asa ang kampo ni Sandro na mabibigyan sila ng hustisya sa inirereklamong pang-aabuso.
Ipinost ni Nino sa kanyang Facebook ang artikulo na may titulong “Senators See ‘Strong Evidence’ VS Accuse in Muhlach Case.”
Sa caption ay nagbigay ng mensahe at suporta si Nino sa anak.
“Be STRONG Anak, . Better days are coming soon! #justiceforsandromuhlach,” aniya.